Ivana

Ivana, ayaw makisawsaw sa gulo ng ibang vloggers/social media influencers

December 4, 2022 Ian F. Fariñas 260 views

BILANG isa sa pinakasikat na vloggers/social media influencers, maingat si Ivana Alawi sa pakikisawsaw sa isyu o awayan ng kanyang mga colleague sa industriya.

Wala mang pangalang nabanggit, natanong pa rin si Ivana tungkol dito sa launching niya bilang celebrity endorser ng super juice na MaxiJuice ng Maximum 88 Corporation.

So sagot ng dalaga, “As much as possible, hindi talaga ako ‘yung magsasalita. And never akong sumawsaw sa any issue because I respect everyone. Ako, gusto ko tahimik lang and ‘yun, masaya lang ako sa life ko.”

Bukas din daw siya sa pakikipag-collab sa iba pang influencers at katunayan, marami na siyang nagawang collaborations sa mga ito.

Itinuturing pa rin ni Ivana na importanteng bahagi ng buhay niya ang vlogging. Kaya naman kahit busy na siya sa pag-aartista, wala raw siyang balak iwan ang pagba-vlog niya.

Katwiran ni Ivana, “Kasi very ano ako sa vlog, talagang kahit busy ako, naghahanap pa rin oras para makapag-vlog. Kasi importante pa rin sa akin ang viewers ko du’n. And masaya sila sa mga content, iba rin kasi ‘yung movie, iba ‘yung vlog. Kasi sa vlog, I get to be myself. Sa movie, kailangan magpu-portray ka ng ibang tao. And also, I love helping people and nagagawa ko siya throughout my vlog. So, tuluy-tuloy pa rin.”

Sa ngayon, happy si Ivana sa itinatakbo ng career niya lalo pa nga’t may upcoming Metro Manila Film Festival entry siya kasama si Vice Ganda.

Super thankful din siya sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Maximum 88 Corporation executives na sina Patricio Jugueta (President/CEO), Mark Anthony Dapiton (VP/CMO) at Willis Chavez (Co-Founder/CTO) para sa MaxiJuice endorsement.

Dalawang buwan daw munang sinubukan ni Ivana ang MaxiJuice bago niya tinanggap ang alok na iendorso ang produkto.

Perfect daw ang organic drink na ito na merong buah merah, guyabano, acai-berry, barley, malunggay, wheat grass, mangosteen, inulin fiber at stevia para sa mga tulad niyang constipated.

Isa rin umano ang MaxiJuice sa mga rason kung bakit niya nami-maintain ang 32 1/2-23-33 niyang figure kahit na walang diet o exercise.

Kwento ng aktres, parte na ito ng kanyang lifestyle at araw-araw niya itong tine-take tuwing breakfast.

Ang MaxiJuice ay available sa iba’t ibang distributors pati na sa Shopee at Lazada.

AUTHOR PROFILE