Itzy

Itzy, bet mag-Bora at tumikim ng halu-halo

January 14, 2023 Ian F. Fariñas 257 views

DUMAGUNDONG ang Glorietta Activity Center nu’ng Biyernes ng hapon sa nakabibinging tilian at hiyawan ng Midzys, tawag sa fandom ng sikat na K-pop group na Itzy, sa katatapos na press event/meet and greet para sa ikalawang concert ng grupo sa ’Pinas.

Ang ilan sa hit songs ng grupo, na idolo rin ng local celebrities tulad ni Kim Chiu, ay ang Not Shy, Boys Like You, Dalla Dalla, Wannabe, atbp.

Matatandaan na na-bash pa nga si Kim sa naging reaction niya nang pansinin ng Itzy member na si Yuna ang Swipe dance video niya sa TikTok.

Anyway, mas matinding init pa ang sumalubong sa all-girl group sa two-night Itzy The First World Tour Checkmate concert na nagsimula kagabi sa Mall of Asia Arena.

Maging ang mga ka-miyembro ni Yuna na sina Lia, Chaeryeong, Ryujin at Yeji, nawindang sa pagmamahal at paghanga na ipinadama ng Filo Midzys (Pinoy Midzys).

Nagtatakip pa nga ng tenga si Chaeryeong at tipong gulat naman ang mga kasamahan niya nang makita ang kapal ng mga nagtungo sa Glorietta meet and greet at MOA concert.

Unang nag-perform ang Itzy sa bansa noong December 2019. Sa kanilang ikalawang pagbisita ngayong 2023, sinabi ng grupo na kung may pagkakataon, type nilang pumunta sa Boracay at tumikim ng halu-halo.

Nagpa-sample rin ang grupo ng pagta-Tagalog na anila ay natutunan nila sa isang Pinoy na dati nilang katrabaho sa team.

Anyway, inaasahang dadagsa pa ang mga Filo Midzy sa MOA ngayong Linggo para sa ikalawang gabi ng matagumpay na first world tour ng Itzy na Checkmate.

AUTHOR PROFILE