BBM2

Its showtime!!!

May 26, 2022 Erwin Tulfo 310 views

TulfoNAIPROKLAMA na ng Kongreso si dating Senador ‘Ferdinand’ Bongbong Marcos Jr. bilang susunod na pangulo ng bansa noong Miyerkules, May 25, habang si davao city mayor inday sarah duterte bilang susunod na bise-presidente ng pilipinas.

Mahigit 30 milyong boto ang nakuha ng bawat isa para mamuno ng bansa. Ito raw ang kauna-unahan sa kasaysayan ng higit 50 percent ng mga botante ang pinili ang dalawa para pamunuan ang higit 120 milyong pilipino ngayon.

Binigyan ng kapangyarihan at mandato ng taumbayam si President-elect Marcos at Vice President-Duterte para tuparin ang kanilang pangako ng pagkakaisa at iahon ang bawat Pilipino sa pagkakalugmok dahil sa pandemya.

Kaya naman nakatuon ang tingin ng lahat, pati ang ibang bansa, kung ano ang susunod na gagawin ng marcos-duterte administration.

At para ipakita sa lahat ang pangako ng nasabing tandem na “unity”, namili si BBM ng ilang miyembro ng magiging Gabinete na mga dating mga tauhan sa administrasyong Estrada, Arroyo, Aquino at Duterte.

Hindi lang daw basta mga tauhan, kundi mga marurunong at batikan ang kanyang mga pinili galing sa mga nagdaang administrasyon.

Ayon sa aking mga impormante na malapit kay BBM, unang tutukan daw ng papasok na pangulo ang recovery program at kahandaan sa pandemya na patuloy na nanatili sa buong mundo ngayon.

Wala pa man daw ang eleksyon nakaplano na sa utak ni BBM kung ano-ano ang kanyang gagawin para maiahon ang lahat.

May mga solusyon na rin daw ito sa mga problema na sasalubong sa kanya.

At tulad din ng mga naipangko niya, itutuloy at tatapusin niya ang mga maiiwang programa at proyekto ng duterte government.

Hiling lang ni BBM, lalo na sa mga kalaban, wag husgahan ang nakaraan kundi husgahan ang kanyang performance.

Dagdag pa ng aking impormante, mahigpit na paalala ni BBM sa kanyang mga napiling mga Gabinete, pag-upo na pag-upo nilang lahat sa July 1, kaagad itong magtrabaho ng puspusan dahil nakatingin ang buong mundo sa Marcos administration.

Good luck po President-elect Marcos at Vice-President elect Duterte.

I am very sure na nasa likod ninyo ang higit 31 milyong pilipino na nakaabang sa anumang aksyon na inyong gagawin para sa ikabubuti ng Pilipinas.

AUTHOR PROFILE