Showtime

‘It’s Showtime’ tuloy ang ligaya sa GMA sa 2025

December 20, 2024 Ian F. Fariñas 71 views

Masaya ang ABS-CBN na ibalita na magpapatuloy ang “It’s Showtime” sa pag-ere tuwing tanghali sa GMA mula Lunes hanggang Sabado.

Sa opisyal na pahayag ay sinabi ng management na, “Taos-pusong nagpapasalamat ang ABS-CBN at ang pamilya ng “It’s Showtime” sa GMA para sa kanilang patuloy na tiwala at suporta.

“Patuloy kaming maghahatid ng inspirasyon at saya sa aming mga manonood.

“Maraming salamat, mga Kapuso, mga Kapamilya, at Madlang People.”

AUTHOR PROFILE