School Supplies

It’s cool to stay in school lalo na’t libre ang school supplies

September 27, 2022 People's Tonight 334 views

Pinangunahan ng dating Antipolo City Mayor Andrea “Andeng” Ynares (nakaputi sa gitna), na siyang butihing maybahay ni Mayor Casimiro “Jun” Ynares III, ang pamimigay ng mga libreng school uniforms, school supplies at bags sa lahat ng public elementary, junior at senior high schoolstudents.

Nagpasalamat ang mga magulang at estudyante ng Antipolo Science High School at Antipolo Institute of Technology (AiTech) senior high school students sa mga libreng supplies na anila ay malaki ang maitutulong sa kanilang pagaaral. Kwento ni Mayora Andeng, maaaring makuha ang libreng kagamitan na isang bag, walong notebooks at mga uniporme base sa schedule na itinakda ng eskwelahan.

AUTHOR PROFILE