Default Thumbnail

Itim na motorsiklo ‘namaligno’, rider dedo

August 9, 2023 Jojo C. Magsombol 259 views

DEAD on the spot ang driver at sugatan ang kaangkas nito nang ang kanilang itim na motorsiklo ay mistulang namaligno at aksidenteng bumangga sa isang puno habang tumatakbo sa kahabaan ng Sitio Parang-Sili, Barangay Laiya Aplaya, San Juan, Batangas.

Ang nasawi, ayon sa San Juan town police, ay nakilala bilang alyas Nhel. Sugatan ang kanyang 18-anyos na pasahero. Ang mga biktima ay residente ng Sitio Dao, Barangay Laiya Aplaya.

Ayon sa imbestigasyon ang itim na Suzuki Sky Drive (NG 82824) ay minamaneho ni Nhel papuntang Sitio Pagasa nang maganap ang trahedya bandang alas-8:45 ng umaga ng Agosto 7, 2023.

Nang nawalan umano ang driver na kontrol sa manibela, lumundag mula sa kalye at diretsong bumangga ipuno ng mahogany.

Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang driver na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Nagtamo ng mga sugat ang kaangkas nito at dinala sa San Juan District Hospital.

Isinagawa ang post mortem sa Municipal Rural Health OIfficer lll sa pangunguna ni Dr. Nestor Alidio.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng kapulisan sa nasabing insidente.

AUTHOR PROFILE