Ellen

Isyu ng prenup kay Derek, sinagot ni Ellen

January 21, 2022 Vinia Vivar 189 views

Sinagot na ni Ellen Adarna ang matagal nang tinatanong sa kanya ng mga tao kung may pre-nuptial agreement sila ng mister na si Derek Ramsay.

Nagpa-Q&A si Ellen sa kanyang Instagram at isang netizen ang nagtanong tungkol sa prenup.

“I know both you and your husband are both well off but did you guys ever consider pre-nup agreement?” ang tanong ng netizen.

“So many people ask me and Derek this and this is a very personal question,” simula ni Ellen.

“So, let’s put it this way,” patuloy niya.

At pagkatapos ay sinagot niya ang tanong in Bisaya na ang ibig sabihin ay “hindi ako lugi kay Derek at hindi rin siya lugi sa akin, so patas ang show!”

ShainaSHAINA, NEGA NA

COVID negative na si Shaina Magdayao at ready nang magbalik-taping sa FPJ’S Ang Probinsyano.

Inanunsyo ito ng aktres sa kanyang Instagram page at labis na nagpapasalamat na nalampasan niya ang pagsubok.

“Positively #negative Finally!

“Now that wasn’t ‘mild’ At all. I think I experienced all the symptoms haha from fever to sore throat to rashes to cough and colds to headache!

“But hey, I survived!!!!! So grateful for the much needed and ever powerful prayers, Instagram World.

“I am now #Covid19 negative!

“Well, still a bit weak, healing day after day… but defintely a lot better than the past week. #FPJsAngProbinsyano bubble, ready for you,” pahayag ni Shaina.

Matatandang inanunsyo rin ni Shaina last week na nagpositibo siya sa COVID-19 matapos siyang magpaturok ng booster.

JoshuaREBELASYON

Inilahad na ni Kyle (Joshua Garcia) ang kanyang sariling pinagdadaanan kay Rica (Charlie Dizon) para maintindihan ng dalaga na parehas sila ng pinagdadaan sa Viral Scandal.

Hinarap ni Rica ang kanyang boss matapos nitong sabihin na ito ang pupunta sa meeting nila sa city council na pinamumunuan ni Jigs (Markus Patterson). Tingin ni Rica na hindi siya nito pinagkakatiwalaan na makayang harapin ang nanggahasa sa kanya.

Ikwinento tuloy ni Kyle na alam niya ang pinagdadaanan ng babae dahil nakita niyang tumalon ang ama sa building kung saan muntik din siyang magpakamatay.

Para kay Kyle, mas mabuting kumunsulta si Rica sa isang doktor para maibsan ang kanyang trauma.

Samantala, naghihinala na sina Kakay (Dimples Romana) at Atty. Dizon (Ria Atayde) kung sino si Ella (Aya Fernandez) sa buhay nina Jigs at Archie (Vance Larena) at kung bakit bigla itong nawala sa kanilang barkada.

Bukod naman sa pagiging most watched show sa iWantTFC at WeTV iflix kinalala din na Best TV Series ang Viral Scandal sa 6th Gems Awards.

Nakuha rin ni Dimples ang Best Performance in a Supporting Role sa parehas na award giving body.

Subaybayan ang Viral Scandal gabi-gabi, 9:20, sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC, WeTV iflix.

Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

AUTHOR PROFILE