Kris

Isyu ng pakikipagbalikan kay Mel, dinenay ni Kris … inakusahan ang ex-fiance ng panggagamit

January 24, 2022 Vinia Vivar 145 views

Itinanggi ni Kris Aquino na nagkabalikan sila ng ex-fiance na si Mel Sarmiento.

Sa mahabang sagot niya sa Instagram post ng veteran columnist/talent manager na si Lolit Solis, nagkwento pa ang Queen of All Media ng ilang detalye sa hiwalayan nila ng dating BF.

“No nay… hindi kami nag balikan. i just felt PEACE in my — finally… kaya the past no longer felt like something i needed to erase. Iniwan nya ko Nay, when i was at my lowest and ginawa nya yun via text…,” simula ni Kris.

Nagkausap daw sila kamakailan ni Mel via FaceTime at dito ay naging malinaw sa kanya ang lahat.

“Matagal akong tahimik na nagdasal questioning if for both of us, was it ever really love or was it just grief, timing, and infatuation?

“I found MY answers because we finally got to talk over FaceTime audio a few nights ago… basing it on that final conversation it became clear to me what his true feelings for me had been and how little respect i had left for him…,” aniya.

Ikinuwento rin ni Kris ang mga ginawa ni Mel bilang pagpapatunay ng pagkatao nito.

“Let’s not involve my sons, because Mel failed to have the common decency to acknowledge that he hurt Bimb and never once checked on how my son was taking all of this.

“It spoke volumes to me nung nalaman ko from my Ate that she had tried several times to message Mel trying to find a way to communicate with him & hopefully still create a bridge but he actually snubbed my Ate.

“And siguro yung final straw for me was the fact kinaya nyang mag imbento ng napakaraming kwento bilang ‘patunay’ na close talaga sila ni Noy eh may parang Alvin si Noy, pero kung si Alvin 17 years with me, this person was with my brother for 28 years and kasing detalyado ang calendar of the people, places, events na napuntahan & nakasama ni Noy as Alvin is with me — mas grabe pa yung kanya because from Congress 1998 to the end of Noy’s term in 2016 kumpleto talaga yung listahan,” lahad ni Kris.

Para kay Kris ay nagamit siya nang bonggang- bongga ni Mel, pati na raw ang kanyang yumaong kapatid na si former President Noynoy Aquino.

“Nay, by now kilala mo ko — FAMILY will always come first, kahit may mga tampuhan or misunderstandings, at the end FAMILY loyalty pa rin ang uunahin.

“I feel OA yung ginawang panggamit sa nananahimik ng patay — kaya it was a relationship na yung entire premise, what led to the closeness was my brother Noy — and because of what i had perceived to be their closeness (background lang: the 2 boys & I lived with Noy for the last 5 weeks before the May 2016 elections and Mel was a constant presence kasi maraming tinatapos na LGU issues).

“So paano mag babalikan sa taong hindi mo na pinagkakatiwalaan at ngayon alam mo nang hindi ka minahal at ginamit ka lamang?

“The End, Nay… Move on na…,” pagtatapos ni Kris.

AUTHOR PROFILE