
Isyu ng pagpayat sinagot ni Isabelle
Tila aware si Isabelle Daza sa kumakalat na tsika about her dahil nag-react siya tungkol dito.
Nagsimula ang mga malisyosong spekulasyon tungkol sa kanya nang mag-guest siya sa “Eat Bulaga” last Wednesday kung saan ay naging kapansin-pansin ang kanyang pagpayat.
Nagkaroon agad ng iba’t ibang reaksyon ang netizens kung bakit madali niyang na-achieve ang fit na pangangatawan to the point na may nag-speculate na nag-take siya ng Ozempic, isang gamot para sa diabetes na ginagamit din umano ng iba para pumayat.
Sa kanyang Instagram account ay nag-react si Isabelle sa mga spekulasyon at ipinost pa niya ang screenshot ng ilan sa natanggap niyang komento.
Sa kanyang caption ay idinaan na lang sa biro ng celebrity mom ang mga tsismis.
“I’ve reached my goal weight = Ozempic accusations,” sey ni Isabelle.
Makikita rin naman sa komento ng netizens na ipinost ni Isabelle na hindi naniniwala ang iba sa akusasyon.
“Can ppl stop assuming na naka-ozempic agad ang isang tao kasi pumayat? girl, hindi ba pwedeng nag-didiet lang yung tao at may active lifestyle?” pagtatanggol ng isang netizen.
Nagkomento rin ang ibang celebrity friends ni Isabelle bilang suporta sa kanya.
Komento ni Drew Arellano, “OLEMPIC”.
Sey nanan ng mister ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff, “Congrats!”