Issa Photo: Issa Pressman/Instagram

Issa Pressman sumailalim sa operasyon dahil sa cyst

August 4, 2023 People's Tonight 283 views

Nagulat ang netizens matapos ikinuwento ng singer na si Issa Pressman na siya ngayon ay nagpapagaling pa matapos ang operasyon sa kanyang vocal cord.

“I am healing. Here’s why I haven’t been so out & active. Also why I haven’t been releasing music!,” caption nito sa kanyang Instagram post kalakip ang isang video.

Dagdag pa niya, “Apparently it wasn’t just one cyst there were a couple but regardless, the operation was a tiny incision. I think what was major was the anxiety leading up to it, the uncertainty of how much my voice will change, the sensitive healing process. Right now, I’m on total vocal rest. I haven’t spoken in days. But I’ve been sleeping well, eating even better & healing good.”

Sa video naman ay ipinaliwanag ni Issa sa kanyang mga tagahanga na dalawang linggo siyang pinagbawalan ng doktor na magsalita, dahilan kaya hindi siya naging sociable.

Aniya, “If, in case, you see me sitting in the corner, not being sociable or just being quiet or not talking at all, that’s just because I am healing from an operation.” Dagdag pa niya, “So, I grow a cyst on my vocal cord, that’s about to be removed. By the time I upload this video, it’s already out. And I’m already not allowed to talk for two weeks and I’m gonna be in vocal rest and vocal rehab for three months.”

Ang cyst o bukol ay parang mga saradong kapsula na parang supot na may laman na karaniwang likido, semisolid, o gaseous material, katulad ng isang blister, na pwedeng mabuo sa iba’t ibang parte ng katawan.

AUTHOR PROFILE