Trak TSK, TSK, TSK–Sinisiyasat ng mga operatiba ng MPD Traffic Enforcement Group ang mga napinsalang sasakyan at maging ang sinalpok na center island ng Elf truck sa Delpan Bridge sa Binondo, Maynila Biyernes ng umaga. Kuha ni Jon Jon Reyes

Island sa Maynila wasak sa trak driver

February 23, 2024 Jonjon Reyes 84 views

BUMANGGA sa center island ng Delpan Bridge sa Binondo, Maynila ang Elf truck noong Biyernes matapos tumagilid.

Base sa inisyal na report ng Manila Police District-Traffic Enforcement Unit, bandang alas-4:20 ng umaga nang mangyari ang insidente sa pababang bahagi ng Delpan Bridge.

Binabagtas ng driver na si Jhun Jie Puna Danao, 42, ang mini dump truck Isuzu Elf (CBR 677) habang may kargang mga panambak nang bumangga ang kaliwang bahagi nito sa center island.

Dahil sa lakas ng impact, tumagilid sa kanang bahagi ang truck at humampas sa kaliwang bahagi ng katabing truck (CBR 9599) na minamaneho ni Agapito Duarong Reducto, 47.

Nagkaroon ng pagbagal ng daloy ng trapiko pero walang naiulat na nasaktan o sugatan sa insidente.

AUTHOR PROFILE