Isko Ibinilin ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso sa mga kapulisan sa Divisoria na panatiliin ang zero vendor sa policy sa Divisoria. Kuha ni JON-JON REYES

Isko: Zero vendors sa Divi tuloy kahit malapit na Pasko

October 1, 2021 Francis Naguit 452 views

NAGING tagubilin ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno sa mga kapulisan sa Divisoria na panatiliin ang zero vendors sa mga daraanan at mga bangketa sa kahabaan ng Juan Luna at Recto sa Divisoria, Mankla kahit nalalapit na ang Kapaskuhan.

Ito ang ipinahayag ni MPD Station 2 Dagupan Outpost Supervisor PSMS Gerardo “Jerry” Tubera sa mga vendors sa nasabing lugar alinsunod na din sa kautusan ni Moreno at MPD Director PBGen. Leo M.Francisco na panatilihin ang kaayusan, kalinisan, at disiplina ng bawat manininda at mga mamimili sa Divisoria.

Ayon kay MPD-Station 2 Commander P/Lt.Col. Magno Gallora, nagbibigay ang kapulisan ng mula 4 p.m. hangang 7 p.m. na oras upang malaparada ang mga sasakyan sa kalye.

Ang mga “sidewalk” o bangketa ay pinapanatiling laging maaliwalas at maayos para sa mga mamimili.

Ayon kay Tubera, “zero vendor” ang kanilang ipinapatupad mula sa Narra St. hanggang Ascuncion St. sa Recto Ave. Pinapahintulutan lamang nilang ipalatag ang “night Market” na magsisimula alas-5:30 ng hapon hanggang alas-5 ng madaling araw kinabukasan.

Matapos nito ay magsasagawa sila ng clearing at flushing operations gamit ang bumbero upang maiwasan ang masamang amoy at dumi sa mga kalye.

Tinitiyak din ng mga kapulisan na mapapanatili ang pagpapatupad ng health protocols lalo na ang physical distancing, pagsusuot ng face mask at face shield.

Patuloy din ang pagmomonitor ng mga kapulisan sa may 25 CCTV Cameras at walong trompa sa kanilang area of responsility sa kahabaan ng Divisoria upang magsilbing mata at bibig laban sa mga pasaway na mamimili, vendor o mga driver pati na mga snatcher,salisi at holdaper.

Tiniyak naman ni Tubera na tuloy-tuloy nilang ipapatupad ang kanilang mga sinimulang hakbang sa pagsasa-ayos sa Divisoria kahit na nalalapit na ang araw ng kapaskuhan ayon din ito sa tagubilin ni Moreno. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE