Isko: Vax card di pwedeng ma-fake

July 12, 2021 People's Tonight 192 views

Empleyado sibak sa trabaho dahil sa pekeng vax card

SINIGURO ni Manila Mayor Isko Moreno na hinding hindi mafa-fake ang vaccination card na kanilang iniisyu sa mga indibidual na nabakunahan na kontra COVID-19 sa lungsod ng Maynila.

Ito ang sinabi ng alkalde sabay sa apela ng Department of Health (DOH) sa mga lokal na pamahalaan na mag-isyu ng lehitimo o hindi mapepeke na vaccination cards, habang inaantabayanan ang iisang sistema o format para sa vaccination certificate na ginagawa at binalangkas ng Department of Information Communications Technology (DICT).

Ayon kay Moreno, may ginawa silang sariling diskarte para hindi mafake ang vaccination cards.

Nilinaw ng alkalde na hindi sila naglalabas ng “physical cards” at sa halip ay ma-aaccess ang lang vaccination card online sa manilacovid19vaccine.ph.

Ang bawat vaccination card ng babakunahan o bakunado na ay may unique QR code na hindi basta-bastang magaya.

Binalaan naman ni Moreno ang mga mangangahas na gayahin ang vaccination cards sa Maynila.

Kasabay nito, isang empleyado ang nameke umano ng vaccination card at sinabi sa kanyang amo na mula ito sa Manila LGU.

Ang pekeng vaccination card ay ginaya para lamang sa intensyon ng empleyado na sabihin na siya ay bakunado.

Sa pagkumpirma o paghingi ng certification ng employer sa lokal na pamahalaan ng Maynila, napatunayang peke ang vaccination card ng empleyado na kinalauna’y nasibak sa trabaho. Ni FRANCIS NAGUIT

AUTHOR PROFILE