Isko Si Manila Mayor Isko Moreno na tatakbong presidente sa May 2022 polls at ang kanyang runningmate bilang VP na si Doc Willie Ong. Kuha ni JON-JON REYES

Isko-Ong sa 2022 elections

September 22, 2021 Francis Naguit 223 views

PERSONAL na nagdeklara si Manila Mayor Francisco Isko Moreno na tatakbong presidente ng Pilipinas sa darating na election sa Mayo 2022. Ang kilalang tagapagbigay kaalaman ng kalusugan na si Doc Willie Ong ang kanyang runningmate bilang bise presidente sa ilalim ng Aksyon Demokratiko Party.

Isinagawa ang pagdedeklara ni Mayor isko at Doc Willie Ong sa Baseco Compound, Port Area, Manila kung saan marami ang naging magandang proyekto ng alkalde kabilang na ang mala-subdivision na pabahay, malinis at maayos na mga palaruan at maaliwalas na mga lansangan.

Ayon kay Moreno, pinili niya si Ong bilang running mate dahil sa angking reputasyon at record ng serbisyo nito sa kanyang larangan ng pagsisikap. Malaki ang tiwala ni Moreno kay Ong dahil sa kanyang pagigijg dalubhasa bilang isang manggagamot at malaki ang magiging pakinabang sa kanya ng bansa sa gitna ng pandemya.

Kung sakaling palaring maging pangulo ng Pilipinas, sinabi ni Moreno na kanyang ipagpapatuloy ang mga naiwang proyekto na naunang administrason at pipiliin lamang nito ang mga kapaki-pakinabang.

Nakahanda rin siyang makipagtulungan sa mga negosyante lalo na sa mga mahihirap at pinangako niya na tatangalin niya lahat ng mga talipandas.

Hiniling ni Ong na magtulungan ang lahat kahit pagkatapos ng election upang malabanan ang pandemya. Hinikayat niya ang mga frontliners na huwag sumuko sa laban kontra COVID-19 dahil mga buhay ang nakasalalay. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE