Survey

Isko nanguna bilang NCR local chief executive — survey

September 22, 2021 People's Tonight 904 views

MATAGUMPAY na nakakuha si Manila City Mayor Isko Moreno ng pinakamataas na approval rating sa mga Metro Manila Mayors na pumalo sa 88%.

Pasok rin sa Top 5 sina Mayor Joy Belmonte ng Quezon City (82%), Vico Sotto ng Pasig (81%), Toby Tiangco ng Navotas (80%), at Menchie Abalos ng Mandaluyong (78%).

Ang independent, non-commissioned survey ay isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD), kung saan kinapanayam nito ang may 5,750 respondents, na sinabihang i-evaluate ang kani-kanilang alkalde hinggil sa kanilang overall job performances, ayon kay Dr. Paul Martinez ng RPMD.

Samantala, kabilang naman sa Top 6-10 sina Oca Malapitan ng Caloocan (72%), Rex Gatchalian ng Valenzuela (71%), Marcy Teodoro ng Marikina (70%), Abby Binay ng Makati (68%), at Francis Zamora ng San Juan (67%), na pawang nakakuha rin ng exemplary ratings.

Ang iba pang lungsod, maliban sa Pateros (48%) at Malabon (46%) ay napanatili ang kanilang high approval ratings.

Ang mga survey representatives mula sa iba’t ibang lugar ay tinanong rin kung sino ang kanilang nais na maging susunod na alkalde sa kani-kanilang lungsod.

Sa NCR First District, si Manila Vice Mayor Honey Lacuna ay nakakuha ng 43% laban kay Cong. Manny Lopez na may 41% score lamang.

Sa NCR second district, nanguna si Belmonte na incumbent mayor ng Quezon City sa puntos na 52% laban sa kanyang mga posibleng makatunggali sa halalan na sina dating Mayor Herbert Bautista na may 21%, at Cong. Mike Defensor na may 20%.

Sa Pasig City, nakakuha si Sotto ng 67% voters’ preference laban kay Vice Mayor Iyo Bernardo na mayroon lamang 28% vote habang sa San Juan, si Zamora ay nakakuha ng 65% result laban kay Janella Estrada na may 32% points lamang.

Sa NCR third district, si Cong. Along Malapitan na tatakbo sa pagka-alkalde sa Caloocan ay nakakuha ng 69% laban kay Cong. Egay Erice na may 30% score sa survey habang sa Malabon City, si Ricky Sandoval II ay nagkamit ng 47% point laban kay Enzo Oreta na may 36% naman.

Sa NCR fourth district, si Cong. Ruffy Biazon ay nakakuha ng 53% laban kina dating Mayor Aldrin San Pedro na may 21% at Marc Red Mariñas na may 19% score, sa Muntinlupa City mayoral race.

Si Cong. Gus Tambunting ay nagkamit ng 50% tally laban sa incumbent Cong. na si Eric Olivarez sa puntos na 43% para sa 2022 Mayor sa Parañaque City.

Ang survey ay isinagawa mula September 3-15, 2021, at ang mga respondents dito ay pawang registered voters na nagkakaedad ng 18-70 years old, at lahat ay residente ng Metro Manila.

Ang sampling margin of error ay nasa ±2 percent at may 95% confidence level. Lahat ng respondents ay randomly selected at ang bilang ng respondents kada lungsod ay allocated proportionally base sa official voting population data.

AUTHOR PROFILE