Isko Moreno: Tapat sa bayan, tapat sa lahat

January 22, 2022 Itchie G. Cabayan 109 views

Itchie CabayanNAPAKALINAW ng mensahe ni Mayor Isko Moreno sa kanyang “kwentong me kwenta” na viral video.

Ano ang kanyang ginawa? Binilisan niya ang kilos at walang sinayang na oras, kaagapay ang kanyang kapwa masipag at mabilis kumilos na Vice Mayor at Manila City Council Presiding Officer Honey Lacuna.

Walang sinayang na oras ang administrasyong Moreno dahil sa nagdaang dalawang taon, ‘yung akala nating lahat na imposible ay naging posible. Ang programang nakalinya na gawin sa loob ng sampung taon ay nagawa sa loob lang ng dalawang taon.

Lumago ang mga negosyo, nagkatrabaho ang mga tao, nanumbalik ang tiwala sa gobyerno.

Sa gitna ng tuloy-tuloy na progreso sa Maynila, ang pamunuan ni Moreno ay hinamong muli ng pandemya.

Gaya ng lahat ng kanyang kilos, naging sobrang mabilis ang naging tugon ng pamahalaang-lungsod ng Maynila sa pamumuno at pangunguna mismo ni Moreno.

Nariyan ang libreng ospital, libreng gamot, libreng pasilidad at iba pang pangunahing serbisyong pangkalusugan na lahat ay maagap na naihanda at naibigay sa mga nangangailangan.

Lahat niyayakap ng Maynila, lalo na pagdating sa mga serbisyong medikal sa gitna ng pandemya. Libre ang napakamahal na swab test at mga mamahaling gamot na nakapagliligtas ng buhay ng sinumang tinatamaan ng COVID-19 at napupunta sa severe o critical na kondisyon.

Sa ngayon, libre at bukas din sa lahat ang katangi-tanging Manila COVID-19 Field Hospital sa Luneta na pinamumunuan ni Dr. Arlene Dominguez at ngayon ay iniaalok pa ni Moreno sa mga Overseas Filipino Workers at Filipino returnees na nagpo-positibo sa COVID-19 sa kanilang pagdating sa bansa. Ito ay tinapos sa loob lamang ng 52 araw.

Ipinangangako ni Moreno na kung nagawa niya ang lahat ng ito para sa Manileño ay kaya din niya itong gawin para sa bawat Pilipino kung palaring maluklok sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

Sa pakikitungo sa ibang bansa, magiging patas umano siya pero “always, always, always faithtful to the Filipno people.” Tapat sa bayan, tapat sa ating lahat.

***

Jokjok (from Richard Mallari of Valenzuela City) – Employee: Boss, pwede ba ako na lang ang papalit dun sa puwesto ng manager natin na kamamatay lang?

Boss: Okay lang sa akin na ikaw ang pumalit sa kanya Employee: Talaga boss, okay lang? Boss: Sa akin okay lang, ewan ko lang kung papaya ang punerarya!

***

Direct Hit entertains comments, suggestions or complaints. Please have them emailed to itchiecabayan@yahoo.com or text 0919-0608558.

AUTHOR PROFILE