Default Thumbnail

Isko: Mahalin ang magulang

November 25, 2021 People's Tonight 259 views

Itchie CabayanSA ginanap na “Christmas tree lighting” activity sa Bonifacio Shrine katabi ng Manila City Hall kamailan lamang, marami ang naantig nang mabasag ang boses ni Mayor Isko Moreno habang nananawagan sa lahat na ipakita nang todo ang pagmamahal sa kanilang mga magulang habang sila ay nariyan pa o nabubuhay pa.

Para sa mga kagaya ko na wala nang mga magulang, tagos sa puso ang panawagan ni Mayor Kois. Ulilang lubos na rin kasi ito dahil maagang nawala ang kanyang ama samantalang ang kanyang ina ay pumanaw ilang buwan matapos siyang maging alkalde ng Maynila.

Nag-iisang anak lamang siya at ni hindi rin niya naranasan ang pag-aaruga ng lolo at lola kaya naman ganun na lang ang pag-aalaga ng pamahalaang-lungsod sa mga nakatatanda.

Isa ring di malilimutang karanasan ni Mayor Kois nang siya ay magkasakit nung kabataan niya. Nagtatae daw siya nun at kinailangan siyang isugod sa ospital kung saan siya ay nilagyan ng dextrose.

Iniwanan siya panandalian ng kanyang ina at inihabilin sa pasyenteng nakahiga sa katabing kama para umuwi at maglabada muna at makakuha ng pera pambili ng dextrose.

Habang naghihintay ay tuliro si Mayor Kois dahil iniisip niya na baka hindi siya balikan ng kanyang ina.

Dahil diyan kaya naisipan ni Mayor Kois na gawing bukas ang pamahalaang-lokal ng Maynila sa pagbibigay ng libreng serbisyo para sa mga maysakit na walang perang pampagamot o pambili ng gamot, lalo na ang mga matatanda.

Maging nitong pandemya ay talagang gumawa ng paraan si Mayo Kois, sa tulong ni Vice Mayor Honey Lacuna para makapagbigay ng libreng serbisyo medikal sa mga tinatamaan ng COVID-19.

Binuksan ni Moreno para sa mga naninirahan sa labas ng Maynila ang lahat ng libreng serbisyo sa anim na ospital ng lungsod,quarantine facilities at maging ang pagbabakuna. Ultimo ang swab testing ay nilibre din para sa mga hindi taga-Maynila.

Pati mga gamot laban sa COVID ay ipinamimigay di ng libre sa Maynila.

Kelan lang, dumating naman sa Maynila ang inorder ni Mayor Kois at Vice Mayor Honey na 40,000 kapsula ng Molnupiravir. Ito ay paunang order pa lang at gamot din sa COVID-19 pero imbes na iniiniksyon, ito ay maaring iuwi sa bahay dahil iniinom lamang.

Pagdating sa pagliligtas ng buhay, walang boundary na kinikilala ang gobyerno ni Mayor Kois. Naniniwala ito na lahat ng lungsod at munisipalidad ay magkakadugtong lang kara nararapat lamang na tumulong ang Maynila sa ibang lungsod na nangangailangan, gaya ng sila naman ay siguradong tutulong kung Maynila rin ang mangangailangan nito.

***

Jokjok (from Arthur Capinpin of Roxas District)– Guro: Pedro, 4 plus 5?/Pedro: Mam, nine po! /Guro: Good. Eh 5 plus 4?/Pedro: Mam, 6 po!/
Guro: Mali. Ano ka ba Pedro, binaligtad ko lang naman ang tanong ah? Duh!/Pedro:Alam ko mam, kaya nga po binaligtad ko rin po ang sagot!Duh rin!?

AUTHOR PROFILE