Isko & Lacuna Binigyang kahalagan ni Manila Mayor Isko Moreno ang kahalagahan ng pamilya sa pagpapauwi ng mga Manila City Hall employees sa Kainang Pamilya Mahalaga Day. Sinabi naman ni Vice Mayor Honey Lacuna na panatilihiing nagmamahalan ang bawa’t miyembro ng pamilya at iwasan ang mga away. Dagdag ni Moreno at Lacuna na unahin ang pagmamahal sa Panginoong Diyos at sa pamilya. Kuha ni JON-JON REYES

Isko maagang pinauwi Manila City Hall employees

September 27, 2021 Francis Naguit 455 views

Para sa pagdiriwang ng Kainang Pamilya Mahalaga Day

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng “Kainang Pamilya Mahalaga Day” maagang pinauwi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang lahat ng kawani ng Manila City Hall Lunes upang mabigyan ng oras ang mga ito na makasabay sa hapag-kainan ang kani-kanilang pamilya.

Batay sa memorandum na nilagdaan ni City Administrator Felixberto Espiritu, pinauwi sa kani-kanilang bahay ang lahat ng kawani ng Manila City Hall 3:30 p.m. upang makasabay nila sa oras ng pagkain ang kanilang pamilya alinsunod na din sa umiiral na Proclamation No. 60 o mas kilala na “Kainang Pamilya Mahalaga Day”.

Ang naturang okasyon ay ipinagdiriwang tuwing huling linggo ng buwan ng Setyembre.

Hinimok naman ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ang kanilang mga kawani gayundin ang publiko na samantalahin ang pagkakataon upang makasama at makasabay sa hapag-kainan ang inyong pinakamamahal na pamilya.

Gayunman, ang mga sumusunod na tanggapan ay magpapatuloy pa rin sa kanilang operasyon kabilang na dito ang Manila Health Department, Manila Disaster Risk Reduction Management Office, Manila Department of Social Welfare gayundin ang mga tanggapan na naghahatid ng serbisyong pangkalusugan, at mahahalagang serbisyo.

Nag-paabot naman ng mahalagang mensahe si Manila Vice Mayor Honey Lacuna na panatiliin ang pagmamahalan ng bawat membro ng pamilya, iwasan ang mga away at di pagkakaintindihan at pag-usapan ang mga gusot at sitwasyon habang magkakasalo sa hapag kainan.

“Unahin ang pagmamahal sa Panginoong Diyos sa ating tahanan,” dagdag pa ni Lacuna. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE