Isko Nilagdaan ni Mayor Francisco Isko Moreno ang Executive Order No. 33 na pansamantalang isasara ng mga sementeryo sa Lungsod ng Maynila sa All Souls Day at All Saints Day. Kuha ni JON-JON REYES

Isko: Libingan sa South,North, Muslim cemeteries sarado sa Undas

September 30, 2021 Francis Naguit 475 views

IPINAG-UTOS ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno na pansamantalang isasara ang mga libingan mula sa South hangang North Cemetery kabilang ang mga libingan ng Muslim Cemeteties magsisimula ito sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3, 2021 o isang buwan bago ang araw ng Undas..

Nilagdaan ni Moreno ang Executive Order No. 33 ukol sa pansamantalang pagsasara ng mga sementeryo sa Lungsod ng Maynila. “Ito ay upang maiwasan ang pagdami o pagkalat ng nakakatakot na sakit na COVID-19 na patuloy ang paglobo ng bilang na nagkakasakit at maaring kumalat” sa All Souls ‘Day at All Saints’ Day,”

Ang mga pribadong memorial park, sementeryo at columbary sa Maynila ay direkta din isasara sa mga panahong ito.

“Kinakailangan nating gawin ang mga bagay na ito upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao sa mga memorial parks, sementeryo at columbaries bago,” ani Moreno.

Sinabi ni Domagoso na hindi kasamang isasara “ang mga serbisyo sa interment at cremation ng mga hindi kaugnay sa COVID-19 na kaso.”

Ang mga Direktor ng Manila Cemeteries, sa tulong ng Manila Police District, Manila Health Department, Manila Disaster Risk Reduction and Management Office at Department of Public Services ay inatasan din ng alkalde upang matiyak ang pagsunod at pagpapatupad ng nasabing order.

“Ang paglabag sa kautusang ito ng sinumang natural o juridical na tao ay hahantong sa pagpapawalang bisa ng mga mayor at pahintulot. Ang order na ito ay magkakabisa kaagad,” dagdag ni Moreno. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE