Inton Pinangunahan ni Atty. Ariel Inton ang paglulunsad ng “Isko kami sa Quezon City” kasama ang isa sa convenors na si Philip Piccio at mga supporters, suot ang t-shirt bilang pagpapakita ng full support kay Mayor Isko. Kuha ni JUN I. LEGASPI

‘Isko kami sa Quezon City’ inilunsad

August 27, 2021 Jun I. Legaspi 1590 views

PORMAL na inilunsad ang “Isko kami sa Quezon City” o ISKOQC Biyernes upang hikayatin si Manila Mayor Isko Moreno na tumakbo bilang pangulo ng Pilipinas.

Ayon kay Philip Piccio, isa sa mga convenors ng Ikaw Muna Pilipinas, sa buong bansa isinisigaw ng halos lahat ng sektor ang pagtakbo ni Yorme Isko bilang presidente ng Pilipinas.

“Hindi mapigil ang mga tao lalo na ‘yung mga nasa grassroots tulad ng mga magsasaka, mangingisda at kahit mga professionals, pulitiko na baguhan o matagal na,” saad ni Piccio.

Ayon kay Piccio, sa kanilang paglibot sa buong bansa, 7 sa kada 10 tao na nakausap nila ang gustong maging presidente si Mayor Isko sa 2022.

“Lahat ng sectors eto,” saad ni Piccio.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Atty. Ariel Inton, siyang nanguna sa samahang Isko kami sa Quezon City, kasama rin nito ang iba’t ibang sektor sa Quezon City sa pagsuporta sa pagtakbo ni Mayor Isko bilang presidente ng bansa.

Ayon kay Inton, simula ito ng mahabang suporta ng kanilang grupo upang iluklok si Mayor Isko bilang presidente sa 2022.

Ayon sa grupo ni Inton, sa kanilang masusing pag-aaral, si Mayor Isko lamang ang sasagot at sagot sa problema ng Pilipinas.

Karanasan, talino at pagmamahal sa kawpa Pilipino ay kitang-kita kay Mayor Isko, saad ng grupo.

Ilan sa mga kasama sa pormal na launching ay sina dating Transportation Undersecretary Tim Orbos, mga QC councilors, transport leaders, civic leaders at mga tricycles drivers.

AUTHOR PROFILE