Isko Mayor Isko Moreno sa blessing ng mga bagong dump truck kasama sina (mula kaliwa) DPS chief Kenneth Amurao, Vice Mayor Honey Lacuna at Congressman Yul Servo. Kuha ni JERRY S. TAN

Isko: Kalusugan, buhay ng tao bago pulitika

January 24, 2022 Jonjon Reyes 230 views

YANG kampanya, kanila na muna ‘yan. Ang priority naming sa Maynila ay bakuna, gamot at kalinisan.”

Ito ang sinabi ni presidential aspirant Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso matapos ipaubaya ang pamumulitika sa kanyang mga katungali at idiinh uunahin niyang pagsilbihan ang kalusugan at buhay ng tao ng mga mamamayan sa lungsod ng Maynila.

Sinambit ito ng alkalde matapos niyang pangunahan, kasama sina Vice Mayor Honey Lacuna, 3rd District Cong.Yul Servo at Department of Public Services (DPS) chief Kenneth Amurao ang pagbabasbas ng mga bagong dump truck na gagamitin ng DPS sa kanilang pangongolekta ng basura sa Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Isko, lubos siyang nagpapasalamat sa grupo ni Amurao dahil sa walang sawa nilang pagkolekta sa mga basura sa anim na distrito ng lungsod.

Maging ang mga estero at imburnal ay kanilanf inaayos at nalilinisan araw araw. Dahil dito, nananatiling maaliwalas at maayos ang kapaligiran at naiiwasan ang mga sakit, ani Mayor Isko kasabay ng pagpuri nito kay Amurao at sa kanyang mga tauhan.

Dagdag pa ni Mayor Isko na ang mga bagong dump truck ay maaring magamit ng mas matagal na panahon para sa pangongolekta ng basura.

Binigyaan diin ng alkaldena ang pamahalaang lungsod ay hindi manghihinayang sa perang ginastos dahil ang mga de kalidad na kagamitan ay maghahatid ng maayos at magandang serbisyo sa Maynila.

“Salamat sa DPS, kay Kenneth Amurao, sa kanilang kasipagan at walang tigil sa paglilinis at paghahakot ng mga basura sa lungsod ng Maynila. Kaya nga DPS yan eh. Dampot, pukol, salo,” ani Mayor Isko.

Sinabi din Mayor Isko na bukod sa patuloy na pagbabakuna sa mga itinalagang community health centers, paaralan at shopping mall, binuksan nila ang drive-thru vaccination para sa mga four-wheel vehicle sa Quirino Grandstand, Bonifacio Shrine (para sa two-wheel riders) at ang Bagong Ospital ng Maynila. para sa mga pampublikong sasakyan.

Dagdag pa ni Mayor Isko “walang kwenta ang pamahalaan lungsod kung lahat ng tao namamatay o may karamdaman.”

“Dapat maramdaman ng mamamayan na may nagmamalasakit at masasandalan sila, na merong gobyerno ang Maynila,tulad ng bakunahan, mga gamot at tamang equipment at maayos na pagseserbisyo sa publiko,” aniya. Nina JON-JON REYES & C.J. ALIÑO Kasama si ITCHIE CABAYAN

AUTHOR PROFILE