Isko Ipinangangako nina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Lacuna na hindi nila pababayaan at hindi nila iiwan ang mga Batang Maynila lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Isko, Honey maging IM Ready sa pagpapatupad ng GCQ Alert Level 4

September 14, 2021 Francis Naguit 66 views

NANAWAGAN sina Manila Mayor Francisco Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna na maging “IM Ready” sa pagpapatulad ngayong Sept.16 ng GCQ Alert Level 4 sa Metro Manila.

“Panatilihin po natin ang pagsunod sa minimum health protocols para labanan ang COVID-19,” anila.

Kasabay nito ay muling pinag-dodoble iingat nina Moreno at Lacuna ang mga mamamayan ng lungsod laban sa COVID-19.

Pinapa-alala nila sa lahat na maghugas ng kamay at ipairal ang social distancing, sundin ang mga health protocol ng bawat barangay upang makaiwas sa Delta variant lalo na’t nagkukulang na ang supply ng oxygen sa mga pagamutan sa lungsod.

“Hindi po tayo magpapapigil ngayong panahon ng pandemya. Mas bibilisan pa po natin ang kilos upang matugunan at itaas ang dignidad ng bawat Batang Maynila. Iisang bangka po tayo kung kaya ay sama-sama tayong maglalayag sa alon, unos, sa gitna ng karagatan,” ayon kina Moreno at Lacuna.

“Lalakbayain natin at kakaharapin natin ang lahat ng hamon na ito, hamon ng ating buhay.
Ang committment namin kayo, kami sa pamahalaang lungsod, ay kasama niyo kami sa barkong iyan. Hindi namin kayo iiwan,” ani ng dalawa.

“Patuloy po kaming magsagawa ng mga proyekto ng mabilis at mapapakinabangan ng publiko kahit na tayo ay kumakaharap ng pandemya. Kasama si Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, kasama niyo kami mga Batang Maynila tungo sa ating minimithing mas maayos, mas maaliwalas, at mas kaaya-ayang Lungsod ng Maynila,” diin ni Moreno. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE