Isko Manila Mayor Francisco Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna: “Patuloy po nating susundin ang due process sa ating pagpapatupad sa ating mga programang kontra droga. Hulihin po natin ang mga lumalabag sa batas na ito. Iharap natin sila sa hukuman para mabigyan ng karampatang parusa na naaayon rin sa batas. We respect the rights of people but we will also not tolerate any wrongdoing in Manila. Kapag may lumalabag sa batas, tiyak na huhulihin natin sila. Kuha ni JON -JON REYES

Isko, Honey, MADAC pinuri ng DILG

September 13, 2021 Francis Naguit 356 views

Dahil sa pagpapatupad ng mga programa kontra illegal na droga

INIHAYAG ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso noong Biyernes, Setyembre 10, na pinuri ng Department of Interior and Local Government – National Capital Region (DILG-NCR) ang Manila Anti-Drug Council (MADAC) para sa mga nagawa nito.

“Nagpapasalamat kami sa DILG-NCR para sa pagkilala na ito,” wika ni Mayor Isko at VM Honey Lacuna. “Ginawa po natin ang abot ng ating makakaya para ipatupad ang batas kontra droga.”

Ang Lungsod ng Maynila ay lumahok sa 2021 Anti-Drug Council (ADAC) Performance Audit sa ilalim ng kategoryang Highly Urbanized City (HUC) at nakatuon ang pag-audit sa pagganap ng MADAC noong 2020.

Inihayag ng mga resulta sa pag-audit na ang LGU ay nakakuha ng iskor na 85/100 para sa mga pagsisikap na kontra sa droga, na nagpapahiwatig na ang MADAC ay “lubos na gumagana.”

Nakasaad sa liham na ipinadala kay Mayor Francisco “Isko” Domagoso noong Setyembre 7 at inilabas noong Setyembre 9 – Ang Regional Director ng DILG-NCR na si Maria Lourdes L. Agustin ay sumulat para sa dagdag na pagpapahalaga sa pagpapatupad ng mga programa na kontra-iligal na droga.

Nakalakip sa liham ni Agustin ang isang kopya na pinirmahan ng ADAC-Functionality Monitoring System (FMS) Generated Report.

Sinabi ni Agustin na ang resulta ay pormal na naindorso sa ADAC National Audit Team (ANT) para sa karagdagang pagpapatunay..

“Patuloy po nating susundin ang due process sa ating pagpapatupad sa ating mga programang kontra droga,” “Hulihin po natin ang mga lumalabag sa batas na ito. Iharap natin sila sa hukuman para mabigyan ng karampatang parusa na naaayon rin sa batas. We respect the rights of people but we will also not tolerate any wrongdoing in Manila. Kapag may lumalabag sa batas, tiyak na huhulihin natin sila,” ani Mayor Isko at VM Honey Lacuna. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE