Isko Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna: “Laging magtulungan ang bawa’t isa at mag-sama samang puksain at labanan ang COVID-19. Manila, God first.” Kuha ni JON-JON REYES

Isko, Honey: Kalusugan ng Manileno prayoridad

September 12, 2021 Francis Naguit 251 views

KAMAKAILAN ay pinangunahan ang pagpapasinaya nina Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna sa mga palaruan parke, sports complex, day care center at pagbubukas ng mga chapel o kapilya sa mga barangay sa Tondo, Manila.

Layunin nina Mayor Isko at VM Lacuna na maging malusog at masiyahin ang mga Batang Maynila kung kaya’t isa sa mga prioridad nila ang pagbubukas ng mga palaruan tulad ng parke,swimming poll, basketball court at iba pang mga maaaring paglaruan ang mga Batang Maynila.

Pati sa mga matatanda ay may mga pasyalan at pahingahan sa kanilang lugar sa Tondo,Manila.

Sa kabilang banda muling inihayag ni Mayor Isko at Vice Mayor Honey ang pagpapatuloy ng malawakang pagbabakuna kontra COVID-19 sa Lungsod ng Maynila Sabado Sept.12 2021.

Matatanggap ang bawat Manilenyo ang kanilang second dose na bakuna na PFIZER. Ang mga vaccinee ay kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 at priority groups na una nang sumailalim sa drive-thru vaccination na idinaos sa Manila Grandstand noong Agosto 22, 2021.

Lagi ding ipinapaalala ng Ama ng lungsod at ng kanyang katuwang na si Vice Honey Lacuna na laging magtulungan ang bawa’t isa at mag-sama samang puksain at labanan ang COVID-19, “Manila, GOD First,” ani Moreno. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE