Isko & Lacuna

Isko, Honey : Buwan ng Sept. Buwan ng Turismo

September 26, 2021 Francis Naguit 447 views

INIHAYAG nina Manila Mayor Francisco Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna na ang buwan ng Setyembre ay “Buwan ng Turismo” “kahit na patuloy tayong humaharap sa kung ano-anong klasipakasyon at limitasyon na nagpapahirap sa atin para gumawa ng isang proyekto.”

“Kahit na hindi buwan ng Setyembre na tinaguriang buwan ng turismo ay pananatilihing malinis ang Liwasang Bonifacio at Kartilya ng Katipunan. Atin pong katuwang sa paglilinis ang Department of Public Services-Manila, Steriplus, Manila Disaster Risk Reduction Management Office, Manila Fire Arroceros Station, Manila Fire Paco Stationat Barangay 659-A,” ani Moreno.

Sinabi ni Moreno na kabilang sa mga activities sa Buwan ng Turismo ang pagpapaganda at pagpapa-ayos ng mga kalye at lansangan. Alinsunod dito, nagsagawa ang buong hanay ng Department of Engineering and Public Works ng malawakang pag-aaspalato sa ilang mga lugar sa Sta. Cruz at Sampaloc.

Patuloy rin ang cleanup drive ng DPS Estero Rangers sa Estero de San Lazaro kung saan umabot sa 18 na sako na iba’t ibang basura mula sa nasabing estero.

Pinasalamatan ni Moreno si Director Kenneth Amurao at sa lahat ng bumubo ng DPS dahil sa kanilang walang sawang pagkilos at mabilis na pag-aksyon.

Sa tulong naman ng mga kawani ng Public Recreations Bureau Naglagay po ng tayo ng mga halaman sa mga parke kabilang ang Vitas Skatepark sa Tondo,” dagdag ni Moreno. “Nagpapasalamat din tayong mga Batang Maynila kay Direk Pio Morabe sa kanilang continuous effort para mapaganda ang ating minamahal na lungsod. Good job at thank you, Engr. Armand Andres at sa lahat ng kasamahan mo sa DEPW sa inyong di matatawarang sipag at dedikasyon! Keep it up,” aniya.

Hindi naman tumitigil si Lacuna kasama ang Manila Health Department sa pamumuno ni Dr. Arnold Pangan sa pagbibigay ng information kaugnay sa pagpapabakuna laban sa COVID-19.

Lagi nilang ipinaaalala sa mga mamamayan ang malawakang pagbabakuna kontra COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.
“Hindi po kami titigil sa aming mga gawain na lalong mapaganda, mapanatiling maayos,maaliwalas at kapaki-pakinabang ang ating lungsod dahil tuloy tuloy ang gobyerni sa Maynila,” ani Moreno at Lacuna. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE