Default Thumbnail

Isko dinagsa ng mga lokal na opisyal mula sa iba’t ibang lalawigan

September 24, 2021 Francis Naguit 359 views

DUMAGSA sa tanggapan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga lokal na opisyal mula sa iba’t ibang lalawigan sa Luzon upang dumalo sa oath taking ceremony para sa mga bagong miyembro ng Aksyon Demokratiko.

Ginanap ang nasabing panunumpa alas-2 ng hapon sa Villegas Hall ng Manila City Hall na pinangunahan ni Domagoso na siyang standard bearer ng Aksyon Demokratiko sa 2022 presidential elections.

Kabilang sa mga nanumpa ay sina Marinduque Vice Governor Romulo A. Bacorro Jr.; Romblon Vice Governor Felix Ylagan; Quezon Province Vice Gov. Sam Nantes at Betty Nantes; Marinduque Board Member John R. Pelaez; Laguna Board Member Rai Ann San Luis; Laguna Board Member Magtanggol Jose Carait; Marinduque Board Member Gilbert L. Daquioag; Zambales Board Member Keith Doble; Santa Maria, Laguna Mayor Ma. Rocelle Carolino: Santa Cruz, Laguna Mayor Edgar San Luis Concepcion; Tarlac Vice Mayor Joey Baluyut; Nagcarlan, Laguna Vice Mayor Rexlon Arevalo; Magdalena, Laguna Vice Mayor Pedro Bucal; Pakil, Laguna Vice Mayor Charles Vipops Martinez; Mabitac, Laguna Vice Mayor Angelito Valderrama Sr.; Majayjay, Laguna Vice Mayor Juan Ariel Argañosa Jr.; San Jose, Batangas Vice Mayor Noel Virtusio; Calamba City Vice Mayor Ross Rizal; Oas, Albay Vice Mayor Reene Riofrio Raro; Angat, Bulacan Vice Mayor Reynante Bautista; Malabon City Councilor Jasper Kevin Cruz; at Malabon City Councilor John Anthony Parial Garcia.

Bukod sa mga nabanggit na opisyal, may isang batch pa ng mga konsehal ang dumating upang mapabilang sa mga pinanumpa ng alkalde.

Ayon sa alkalde, ang mga nasabing opisyal ang susunod na mamumuno sa kani-kanilang mga lalawigan sa susunod na taon.

Pinaliwanag ng alkalde na hindi lamang mga taga-Luzon ang magiging kasapi ng Aksyon Demokratiko kundi mayroon ding manggagaling sa Visayas at Mindanao.

Dinagdag ni Moreno na bagaman lumaki siya at nag-aral sa Tondo, Maynila, nananalaytay sa kanyang dugo ang dugong Bisaya dahil ang kaniyang ama at ina ay pawang mga taga Visayas.

Sa panghuli ay hinikayat ni Moreno ang iba pang mga opisyal, sinabi niyang bukas ang Aksyon Demokratiko sa pagtanggap ng mga nagnanais umanib sa kanyang partido. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE