Isko

Isko: Booster shoots para sa Divi vendors

January 5, 2022 Jonjon Reyes 289 views

INIHAYAG ni Manila Mayor Isko Moreno na pagkakaroon ng booster shots laban sa COVID-19 ng mga manininda sa Divisoria.

Ang vaccine program ay naganap gabi ng Enero 5 sa kahabaan ng Juan Luna corner Recto sa Sta Sta. Cruz, Manila.

Binakunahan ang mga nagdedeliver at nagtitinda ng mga gulay, isda, prutas at karne sa Divisoria upang karagdagang panlaban nila mula sa Omicron variant.

Sinabi rin ng alkalde sa publiko na sa Kapistahan ng Itim na Nazareno, wala munang inuman hanggat maari at makiisa sa gobyerno upang sa gayun ay hindi na lalo pang kumalat ang COVID-19 na ang Omicron variant.

Nanawagan din ang alkalde sa mga deboto na maaring sa bahay na lamang magdasal at huwag nang magtungo pa sa Simbahan dahil magkakaroon naman ng mga online mass at para rin sa kanilang kapakanan at kalusugan.

Inaasan aniyang dadagsa ang mga deboto kaya naman nakikiusap Ito na makiisa ang bawat isa dahil may mga itatalaga rin aniyang mga kapulisan sa paligid ng Quiapo upang magbantay at mapanatiling nasusunod ang health protocol.

Ipinagkatiwala naman ng Alkalde kay MPD Director Police Brig. General Leo “Paco” Francisco ang seguridad at kaayusan ng paligid ng Simbahan ng Quiapo habang ipinagdiriwang ang kapyestahan ng Itim Na Nazareno. Jon-Jon Reyes at C.J. Aliño

AUTHOR PROFILE