Isko Palaging pinapapaalala ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso sa kanyang mga kapwa Batang Maynila na panatiliing malinis at maayos ang kapaligiran. Kuha ni JON-JON REYES

Isko: Batang Maynila patuloy ang paglilinis sa Lungsod

September 19, 2021 Francis Naguit 379 views

KUNG may general cleaning sa bahay ay may general cleaning din sa ating lungsod!

Ito ang laging sinasabi ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno sa kanyang mga kapwa Batang Maynila na palaging panatilihing malinis at maayos ang ating kapaligiran.

Aniya, patuloy ang paglilinis ng mga mga kawani ng Department of Public Services (DPS) na pinamumunuan ni Director Kenneth G. Amurao ng Citywide Clean-up Activity.

Sabay-sabay na nilinis ng mga taga-DPS ang paligid ng Baywalk, Roxas Boulevard, Baseco Beach, at iba’t-ibang estero sa anim na distrito ng Maynila maging ang mga paligid ng simbahan sa Quiapo, mga palengke at mga parke sa nasabing Lungsod,

Umabot sa humigit-kumulang na 62 tonelada ng basura ang nahakot ng mga kawani ng DPS sa araw na ito.

Tuloy-tuloy lang po tayo sa pag-aayos sa Kamaynilaan. Laging handa at hindi po sumusuko ang mga kawani ng DPS sa tungkulin nila.

“Upang maiwasan ang pagbara sa mga kanal at pagbaha sa mga lansangan lalo na ngayong panahon ng tag ulan, hindi lang COVID ang dapat nating labanan sa panahong ito kundi ang iba pang sakit tulad ng Leptospirusis at Dengue na nakukuha sa baha ngayon panahon ng tag ulan,”ani Moreno.

“Kaya muli tayong nagpapasalamat sa kanilang sipag at tiyaga na panatilihing malinis ang ating lungsod. Alagaan po natin ang Maynila dahil walang ibang gagawa at magtutulungan kundi tayong mga Batang Maynila,” pagtatapos ni Moreno. Ni FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE