Isko Personal na tinanggap nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna Pangan ang 3,000 vials ng Remdesivir bilang bahagi ng kanilang paghahanda sakaling mangailangan ang mga residente o hindi residente ng Maynila. Lubos naman ang pasasalamat ng mga mamamayab sa alkalde at bise alkalde sa kanilang mabilis na kilos para sa mga Batang Maynila. Mga kuha ni JON-JON REYES

Isko: 3K vials ng Remdesivir natanggap ng Manila

September 18, 2021 Francis Naguit 283 views

Para sa mga may mild to severe kaso ng COVID-19

DUMATING na ang karagdagang 3,000 vial ng Remdesivir na binili ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila na maaaring gamitin ng mga pasyenteng mayroong mild hanggang severe case ng COVID-19.

Isko1
Ang karagdagang mga vial ng Remdesivir na tinanggap nina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna. Kuha ni JERRY S. TAN

Personal na tinanggap nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna Pangan ang mga nasabing gamot bilang bahagi ng kanilang paghahanda sakaling mangailangan ang mga residente o hindi residente ng Maynila.

“Sa mga nangangailangan huwag po kayong mag-atubili, ang mahalaga ay buhay. Ang impeksyon ay magiging bahagi na ng buhay natin yan. Yung mailigtas natin ang ating mga kababayan at nangangailangan lalo na ang mahihirap,” ani Mayor Isko,

Nauna nang sinabi ni Mayor Isko sa mga nais makakuha ng Remdesivir na magdala lamang ng reseta at makipag-uganayan sa tanggapan ng Manila Health Department.

Samantala, pinasalamatan naman ni Domagoso si Jimmy Macling makaraang mag-donate ito ng apat na high flow oxygen machine sa lokal na pamahalaang lungsod na maaaring gamitin ng mga COVID-19 patients na nahihirapang huminga.

Ayon kay Domagoso, ang mga naturang makina ay karagdagan sa mga high flow oxygen machines na binili ng lokal na pamahalaang lungsod at mga donation mula sa pribadong korporasyon, pribadong sector at embassy sa Lungsod ng Maynila. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE