Isda sa Bataan ligtas kainin–Gov. Garcia, BFAR
BALANGA CITY, Bataan–Ligtas pa ring hulihin at kainin ang mga isda mula sa Bataan, ayon kay Gov. Joet Garcia, base sa evaluation results na ginawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
May pangamba tungkol sa mga isda sa Bataan dala ng langis na tumapon sa dagat ng lalawigan mula sa lumubog na MT Terranova noong nakaraang linggo.
May lamang industrial oil ang barko na mahigit 1.4 milyong litro.
“Batay naman sa evaluation results ng BFAR, ligtas bumili at kainin ang mga lamang dagat na mahuhuli sa ating probinsya,” ani Garcia.
Sa kaugnay na balita, bumisita sa Limay si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire upang magbigay ng updates sa health status ng mga residente sa Bataan dala ng oil spill.
Sinabi ni Vergeire na may mga hakbang silang ginagawa upang masiguro ang kaligtasan ng mga nasa lugar na apektado ng oil spill.