Fish SAFE TO EAT–Ang fishport sa Rosario, Cavite.

Isda galing Cavite pwede nang kainin

August 22, 2024 Dennis Abrina 247 views

TRECE MARTIRES City, Cavite–Inanunsyo ni Cavite Gov. Juanito Victor ‘Jonvic’ Remulla Jr. na ligtas na kainin ang mga isda galing sa Cavite.

Ayon kay Remulla, maayos at ligtas kainin ang isdang huling Cavite pagkatapos ng halos isang buwang kalbaryo ng mga mangingisda dahil sa oil spill galing sa MV Terranova.

Nilinaw din ng gobernador na pinag-aaralan na kung kailan pahihintulutan sa ang pagkain ng halaan, tahong at talaba na galing sa coastal areas ng Cavite.

Mula kay Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tui Laurel Jr. ang pahintulot na pwede nang kainin ang mga isda galing sa Cavite.

Nauna ng nagbigay ng safe to eat clearance ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sa mga isda na nahuli sa Bataan, Pampanga, Bulacan at National Capital Region (NCR) noong Agosto 13.

Ayon kay Remulla sa FB post, umaabot ng mahigit P1 bilyon ang total damages sa mga fisherfolks, seafood vendors at mga naghahanap buhay na may kinalaman sa pangingisda.

Nanawagan ang gobernador sa pamunuan ng MV Terranova at sa mga may-ari nito ng malasakit at tulong para sa mga taong naghihirap dahil sa kapabayaan nila.

AUTHOR PROFILE