Isang pag-alala sa dakilang Ina ng Pelikulang Pilipino
UNANG pumasok sa kamalayan ng isang Mother Lily Monteverde ang isang wa name na Ian Fariñas noong 1995.
May katikatera kasing Marites na nagtsika sa kanya sa isang Regal presscon tungkol sa isang ‘di inaasahang pangyayari sa buhay ko.
Wala akong idea kung bakit, pero tinawag niya ako para i-hug sabay bilin, “Be strong for your kids.”
Mula noon, unti-unti na kaming naging close hanggang sa mapasali na nga ako sa Wednesday Club nila ni Tita Malou Choa-Fagar, dating COO ng TAPE, Inc., producer ng “Eat Bulaga.”
Linggu-linggo kami nagkikita. Kadalasan, mula 9 p.m. hanggang 3-4 a.m., kasama ang OG WClubbers na sina TaMalou, Tito Alfie Lorenzo, Direk Chito Roño, Popoy Caritativo, Redgie Acuna-Magno, Jun Nardo, Dondon Sermino, Anna Pingol, Allan Diones, Kuya Ricky Davao, Walden Belen, Jervy Santiago, atbp.
Nu’ng una, du’n kami nagdya-jamming sa baba, sa dating Imperial Cafe ng Imperial Palace Suites, na Starbucks na ngayon. ‘Di nagtagal, nag-level up ang Wednesday Club sa poolside sa penthouse ng Imperial.
Ang daming memories. Lalo na tuwing may birthday. Umaapaw ang handa courtesy of Mother, umaapaw din ang mga bisita. Halos lahat ng ganap, ka-content-content. Charoz!
Eh, saan ka ba naman nakakita na habang nagchichikahan, si Mother biglang tatayo para mag-exercise? Hatinggabi o madaling araw ‘yon, huh! Nakakailang rounds siya ng paglalakad sa gilid ng pool na may pagpaspas ng mga kamay palikod.
Doon din namin na-witness ang husay niya sa pagmu-multi-task at pagka-character shift. ‘Yung tipong may tinatalakan sa telepono tapos biglang sweet at caring pagbaling sa ‘yo.
Marami siyang episodes na ‘pag may kausap, chika, chika, chika. Aakalain mo tuloy matagal na niyang kakilala. Pag-alis ng kausap niya, tatanungin ka, “Sino ‘yon? Ano pangalan nu’n?”
Minsan naman, ‘pag may gusto siyang kainin o inumin, uutusan ka, “Tawak mo weter.” Kaso bago mo matawag, natawag na niya, “Weter! Weter!”
Pagdating ng waiter, bigla siyang hihirit, “Tawak mo iba weter, ayaw ko sa ‘yo.” Buti na nga lang, memorized na nila kuya waiter ang pagiging “krung-krung” niya.
Hate niya ang sunog na itlog sa tikoy. Pero love niya ang lechon. Naaapakahilig niya sa lechon na ‘pag lumalim ang gabi, ipinapri-prito pa nga.
‘Yung manamis-namis na swahe sa Gloria Maris, Greenhills? Blockbuster sa pagkakamay niya. Minsan nga, out of the blue, tatawag o magte-text ‘yan para lang mag-ayang kumain doon.
Pasimple rin siya kung mang-agaw ng beer. ‘Pag binigyan ng kanya, sasabihin niya, “Bawal sa akin ‘yan.” Pero nakiinom na! Bongga!
Si Mother lang ang nakapag-aya sa aking sumali sa fun run…. FUN RUN!! Ng Red Cross!! ‘Di ba member siya at si Roselle ng board of directors ng QC chapter nu’ng time ni Gordon?
Actually, kami ni Anna Pingol ‘yon at ni GR (Girlie Rodis), manager ni Rachel Alejandro. Madaling araw, go kami sa may bandang Pasay ‘ata ‘yon (basta malayo) sakay ng van na minamaneho ng longtime dribam niyang si Tata.
‘Di pa ‘ata gaanong uso noon ang customized artista van, kaya si Mother, may sariling arinola sa sasakyan.
Anyway, isa ‘yung fun run sa mga experience na hindi ko makakalimutan, kasi first time kong nagsuot ng T-shirt na may race bib. Feeling marathon-er, ‘di naman tumakbo!
Paggaling du’n, trineat niya kami ni Anna ng lunch sa Manila Pen. Sosyal! Yayamanin! Ganu’n ka-sweet at ka-generous si Mother sa mga “ampon” niya.
Minsan na rin niya akong naisama abroad, sa Hong Kong, kajoin ang ilan pang taga-Wednesday. Sa swerte, pauwi na lang, may ganap pa rin kami!
Gabi ang flight, so wait-wait kami. Naka-board na kami nang i-announce ng piloto na made-delay dahil nagkaproblema ang isang engine ng plane.
Para hindi mainip, kwentu-kwentuhan… baliw-baliwan. If memory serves me right, nakasabay pa namin sa flight si Kuya Kim (Atienza) at ang family niya.
Si Mother, as usual, patayu-tayo, pa-exercise-exercise. Wa siya care pagtinginan ng mga utaw. Nu’ng finally pwede nang lumipad, malalim-lalim na ang gabi. Pagsilip mo sa bintana, pitch-black, as in dark.
Dahil maliliit pa ang mga dyunakis ko noon, dasal-dasal, dasal-dasal. Kung anu-ano ang tumatakbo sa isip ko: “Naayos kaya telege ang engine?” “Safe kaya telege lumipad ang plane?” “Maliliit pa po mga anak ko, Lord, please!” Ganerrrn!
Kumalma naman ang nerves ko. Lalo nang maisip ko na anuman ang mangyari, at least, I was in good company. Awa ng Diyos, we all got home safely and in one piece.
Hindi ko akalain na lalalim pa ang samahan namin ni Mother pagkatapos nu’n. Kamukat-mukat ko, ang bongga, speech writer na niya ako! (Pang-ilan kaya ako?)
Magte-text ‘yan, “Ian, can you call me, urgent.” So, call naman ang bakla, “Yes po, Mother?” Sabi niya bibigyan siya ng award sa ganito at ganu’ng event, so need ayusin ang kanyang sasabihin.
Mensahe para kina Malou Santos, Piolo Pascual, sa Mowelfund (na ang ending ‘di niya sinipot), opening/blessing ng resort niya sa Taal, kung anu-ano… para kung kani-kanino. Ganyan.
Umabot pa kami sa eulogy niya para sa pinsan ni Father na si Mr. Cesar Dy. Text niya, “This will be delivered tomorrow evening at Santuario de San Antonio with 300 people around, social and rich! Hahaha!”
Ite-text daw niya ako uli ng thoughts niya, i-correct ko ang grammar at dagdagan ang gusto niyang sabihin with very specific instructions: “With feelings and tears but tears of joy BECAUSE LIFE IS A JOURNEY! LIFE IS BEAUTIFUL! IN THIS WORLD WE ONLY BORROW FROM GOD TO LIVE A SHORT WHILE AND WE ARE READY TO DIE BEAUTIFUL AND HAPPY.”
Super close pala si Sir Cesar sa pamilya Monteverde dahil si Father na ang tumayong magulang, nagpalaki’t nagpaaral dito ng Commerce sa De La Salle University nang mapatay ng mga Hapon ang tatay at nag-remarry naman ang nanay nito noong siya’y bata pa.
Pasko ba ‘kamo? Birthday ni Father ‘yon. Kaya may Christmas Eve din na do uli kami ng message niya. Kinapaskuhan, attend us ng party. Pasko. Party. Pati ibang press, andu’n. Ibig sabihin, parte na ang press ng family. At family na rin namin ang mga Monteverde.
Dating ngayon ang election year. Kung 12 ang candidates sa Senate slate, si Mother, 13 ang inendorso. Lahat ‘yon, need ng speech! So ang ginawa nila ng presscon right hand niyang si Jun Nardo, isang senatoriable presscon sa tanghali, isa sa gabi.
In between pagsasara ng pahina, du’n niya sasabihin sa ‘kin kung ano ang gusto niya tungkol kina Gringo Honasan, Chiz Escudero, Antonio Trillanes, Dick Gordon, Rodolfo Biazon, etc. etc.
Usap at write sa umaga, use at read niya sa tanghali. Usap at write sa hapon, use at read niya sa gabi. Career ang ginawang pagsuporta ni Mother sa politiko friends niya. No wonder, dagsa sila at ang naggagandahang wreath ngayon sa Valencia.
But over and above all these, ang pinaka-memorable at pinaka-favorite ko ay ‘yung mga pag-uusap namin about life, love and career.
In one of our telebabad sessions, pareho kaming naging emosyonal when I told her how special she made other people feel (hindi siya aware). How humbling it was that someone as big and as prominent as she was — film icon, movie industry legend — would trust an ordinary “chismosa” to put into words all her deepest thoughts and feelings.
“Bakit po ako, Mother?” I asked her. Wala, nag-iyakan na kami. ‘Di ko kinaya ang mga sinabi niya. Malamang, ‘di n’yo rin kayanin, kaya sorry, sa akin na lang, ha?
In the same manner, hindi ko kinayang itawid ang Linggo, August 4, na tuyo ang mga mata ko. That morning, nagkataon, birthday party ng apo kong si Kiko.
May idea na ‘ko bago ko pa natanggap ang tawag. Pero isip-isip ko, ‘totohanan na ‘to.’ Ganu’n pala ‘yon… ‘no? Nakakaiyak panoorin magsayaw ng “Pantropiko” si Jollibee. Namumugto ang mga mata mo!
Iba ka talaga, Mother. Limang dekada sa show business. Kakaiba ang epekto ng ibinigay mong pagmamahal sa mga miyembro ng entertainment media.
Kaya naman ngayong hihimlay ka na katabi ni Father sa Heritage Park, Taguig, bauin mo sana ang pagmamahal at pasasalamat naming lahat sa mga kabutihan mo.
I am deeply honored to have known you in this lifetime.
Mas pinagtibay ng araw na ‘to ang paniniwala ko na ganu’n mo nga ka-lab at ikaw ang nanligaw kay Father. Kasi, ‘di na lang bakod ang inakyat mo mapanood lang siyang mag-basketball. Pati langit at lupa, hinamak, tinawid, nilundag mo matuloy lang ang forever n’yo.
How to be you po?