Office

Isang ‘eye-opener’

May 25, 2023 People's Tonight 206 views

ANG mahigit na 30 oras na sunog na tumupok sa Manila Central Post Office (MCPO) sa Liwasang Bonifacio (formerly Plaza Lawton) sa Maynila ay isang “eye-opener” sa gobyerno.

Matatandaan na noong 2018 ay idineklara na ng National Museum ang limang palapag na pre-war MCPO building bilang isang “important cultural property.”

Ang pagkilala ay ibinibigay ng gobyerno, sa pamagitan ng National Museum, sa mga istrakturang may “exceptional cultural, artistic and historical significance” sa bansa.

Kaya nga tama lang na imbestigahan, in aid of legislation, ng House of Representatives ang nasabing sunog na nagsimula gabi ng Linggo at natapos umaga na ng Martes.

Sa isang resolusyon, hiniling ng 42 mambabatas, sa pangunguna ni 4th District Pangasinan Rep. Christopher de Venecia, na imbestigahan ng Kamara ang nasabing sunog.

Ayon sa resolusyon, dapat na imbestigahan ang insidente “with the end in view of addressing the government’s intervention and mandates, as well as maximizing the government’s efforts in protecting, preserving and safeguarding our heritage sites.”

“It’s certainly time for the Senate and the House of Representatives to come up with pieces of legislation aimed at protecting our remaining treasures,” ayon sa isang retiradong guro.

“Sa ibang bansa nga, kagaya ng Iraq at Israel, ay pinagtitiyagaang i-restore ng kanilang mga eksperto ang mga nahuhukay nilang ancient structures at monuments,” dagdag pa ng dating titser.

Talagang napakahalagang i-preserve natin ang mga naiiwang heritage site, na kagaya ng MCPO building, hindi lang sa Metropolitan Manila kundi sa buong Pilipinas.

Sila ang mga testigo ng ating mayamang kasaysayan, “helping to give Filipinos a sense of -place and connection to our past.”

AUTHOR PROFILE