Kiwanis KIWANIS ONE DAY SERVICE – Pinangunahan ni energetic at service oriented Division 3A leader, Lt. Governor Francis Villegas ang pamamahagi ng mahigit 300 packs ng groceries sa mga residente ng Bgy. 703 sa San Andres, Malate, Manila. Kuha ni JON-JON REYES

Isang araw ng serbisyong pangkalusugan ng Kiwanis

October 30, 2021 Francis Naguit 809 views

Kamakailan ay nagsagawa ang grupong Kiwanis ng isang araw na pagseserbisyo pangkalusugan at pamamahagi ng mga grocery items sa mga residente ng Bgy. 703 sa ilalim ni Bgy. Chairman Pol Ureta sa San Andres St, Malate, Manila.

Sa pangunguna nina Kiwanis Philippines Luzon District Governor Mario Marasigan at ang energetic at service-oriented Division 3A leadership ni Lt. Governor Francis Villegas, mahigit sa 300 packs ng mga grocery items ang kanilang pinamigay sa mga nasabing residente.

Kasabay nito nagsagawa ang grupo ng worldwide celebration – Kiwanis One Day to Celebrate Community Service to the Children of the World – at kabilang ang Bgy. 703 ni Ureta bilang Kiwanis International Philippine Luzon District Division 34 na may 13 clubs.

Ang Kiwanis International ay isang non-stock at non-profit na organisasyon at ngayon sila ay nagsama-sama upang maipaabot ang mahigit 300 grocery packs sa nasabing barangay.

Bukod sa bigas at noodles, delata, tsinelas at tubig inumin, kabilang sa mga natanggap ng mga residente ay ang mga proteksyon sa kalusugan gaya ng face mask at shield, sabon at alcohol.

Nagsagawa din ng isang feeding at medical mission kung saan maaaring magpa-check ng blood pressure, at pageehersisyo bago nabigyan ng mga nasabing groceries ang mga residente, upang maging malusog ang mga ito at maiwasan ang sakit tulad ng COVID-19.

Lubos naman ang pasasalamat nila at natuwa ang mga residente.

Kabilang sa mga dumalo ay si Hon. Shariff Albani bilang panauhing pandangal, at sa kooperasyon ng Grand Singko Manila Club sa pamumuno naman ni President Kuya Jojo Lobiano at ng The Koreantown Association Malate Manila, at ni Maam Milet kasama ang kanyang Council Legacy Team. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE