Isa sa Ben&Ben ikinasal na

February 12, 2023 Aster Amoyo 489 views

Ben1Ben2Ben3Ben4NAG-ASAWA na ang isa sa twin brothers ng Ben&Ben, ang lead vocalist-guitarist and songwriter na si Miguel Benjamin Guico.

Si Miguel ay ikinasal sa kanyang non-showbiz girlfriend na isang doctor na si Karelle Bulan sa isang Catholic church wedding (na hindi pinangalanan kung saan) last Friday, February 10, 2023, apat na araw bago ang Araw ng mga Puso.

Parehong teary-eyed ang kambal sa simbahan.

Bago ang wedding ceremony ay niyakap ni Miguel ang kanyang twin brother na si Paolo at dito pa lamang ay hindi napigilan ng dalawa ang mapaiyak lalupa’t magkakahiwalay na sila ng tirahan. Since birth ay magkasama ang kambal sa iisang bahay. Ngayong may asawa na si Miguel at magsisimula na ng kanyang sariling pamilya, nakaramdam din ang twins ng separation anxiety.

Ang Ben&Ben kung saan ang kambal ang nasa frontline ay siyang pinakamainit na local band sa kasalukuyan with their own string of hit songs and sold out live concerts both here and abroad.

Bukod kina Paolo at Miguel (lead vocals and songwriters), ang iba pang members ng Ben&Ben ay sina Agnes Reoma (bassist), Patricia Lasaten (pianist, keyboardist and composer), Poch Barretto (lead guitarist), Jam Villanueva (drummer), Toni Munoz (percussionist/back-up vocals), Keifer Timothy Cabugao (violinist) at si Andrew de Pano (percussionist and back-up vocals).

Direk Daryl gagawa na naman ng kasaysayan

CesarNAKATAKDANG na naming gumawa ng kasaysayan sa larangan ng pelikula ang “Martyr or Murderer” ng Viva Films na sinulat at pinamahalaan ng controversial writer-director na si Daryl Yap base sa kuwento ng panganay sa magkakapatid na Marcos na si Sen. Imee Marcos.

It was last year nang ipalabas ang pelikulang “Maid in Malacanang,” the very first movie shown after the pandemic na tumabo sa takilya ng mahigit P700-M. Ito’y tinampukan nina Cesar Montano (who played the role of former Pres. Ferdinand Marcos), Ruffa Gutierrez (as Imelda Marcos), Cristine Reyes (as Sen. Imee Marcos), Diego Loyzaga (as Bongbong Marcos) and Ella Cruz (as Irene Marcos-Araneta), Kyle Velino, Elizabeth Oropesa at Beverly Salviejo at marami pang iba.

Sa sequel ng pelikulang “Maid in Malacanang,” ang “Martyr or Murderer” ay may mga nadagdag sa cast tulad nina Marco Gumabao, Jerome Ponce, Cindy Miranda, Rosa Van Ginkel at Isko Moreno. Ang nasabing pelikula ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa darating na March 1, 2023 at kasunod na rito ang international screenings sa iba’t ibang bansa.

Sinabi ng writer-director nasi Daryl Yap na mas mataas pa umano ang kanyang expectations sa bagong pelikulsa.

Pagkatapos ng yate, pick up truck naman ang regalo ni Neri kay Chito

ChitoChito1ACTRESS and successful entrepreneur Neri Naig surprised her husband, Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda ng isang brand-new pick-up truck as her gift during his 47th birthday last February 7.

Alam ni Neri na gustong-gusto ni Chito na magkaroon ng pick-up truck pero dinelay nito ang pagbili dahil mas gusto niyang gamitin ang pera sa investment kesa bagong sasakyan.

There was a time na isang yacht ang ginawang birthday gift ni Neri sa kanyang mister.

Sa mag-asawa, si Neri talaga ang negosyante na meron nang iba’t ibang negosyo kasama na ang pagi-invest sa iba’t ibang properties.

Sina Chito at Neri ay unang ikinasal sa isang civil wedding ceremony nung December 13, 2014 at kinabukasan sa church wedding in Tagaytay.

August 2015 ay nagka-miscarriage ang actress-entrepreneur ng una nilang baby pero ito’ y nasundan ng dalawang anak.

Lea at Sarah laglag na sa bagong The Voice Kids

BiancaSIMULA sa February 25 (Saturday) ay muling mapapanood sa ABS-CBN ang ika-limang season ng The Voice Kids (Philippines) kung saan sina Bianca Gonzales at Robi Domingo ang mga tatayong hosts habang si Bamboo Manalac na lamang ang isa sa original coaches kung saan niya dati kasama sina Lea Salonga at Sarah Geronimo.

Ngayon, ang makakasama ni Bamboo ay sina Martin Nievera at KZ Tandingan.

Ang The Voice Kids (Philippines) ay nakapag-produce na ng apat na grand winners na sinimulan ni Lyca Gairanod kasunod sina ElhaNympha, Joshua Olivares at Vanjoss Bayaban.

Although nagkasama na sina Bianca at Robi sa paghu-host ng Pinoy Big Brother, first nilang dalawa na i-host ang reality singing competition for kids na kasalukuyan ay hosted ni Luis Manzano.

Next to Luis, hinasa na rin ng Kapamilya network ang hosting skills ni Robi.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE