Noriko1

Isa pang anak ni Jeric lumantad

December 8, 2022 Aster Amoyo 943 views

NAKILALA namin ang Japan-based daughter ng actor na si Jeric Raval na si Noriko Raval (her screen name) at the story conference ng upcoming movie na “Lanao: The Marcos Mamay Story” na sinulat at pamamahalaan ng seasoned writer-director na si Neal `Buboy’ Tan. Ang nasabing pelikula ay pagbibidahan mismo ni Jeric kasama sina Patricia Javier, Ali Forbes, Polo Ravales, Julio Diaz, Kelvin Miranda, Alvin Fortuna, ang film-producer-turned actress na si Baby Go at iba pa.

Since sa Japan ipinanganak at lumaki si Noriko, hindi ito marunong magsalita ng Tagalog kundi Japanese at English..

Aware si Noriko na sikat na sexy star ang kanyang half-sister na si AJ Raval kaya gusto niya itong sundan.

There is a big possibility na maging Viva artist din ang isa sa 18 anak ng action star na si Jeric.

Bago si AJ, unang nag-showbiz si Janina na anak ni Jeric sa dating actress na si Monica Herrera kung kanino may tatlong anak ang actor.

Kahit magkakaiba ang ina ng kanyang mga anak, inamin ng actor na close siya sa kanyang mga anak maging sa kanilang mga nanay.

Umuwi ng Pilipinas si Noriko para mag-artista bagay na sinusuportahan naman ng kanyang ama.

Jeric

Jeric balik-true-tol-lie story

SAMANTALA, natutuwa si Jeric Raval na sa kanya ipinagkatiwala ng mayor ng Nunungan, Lanao del Norte na si Mayor Marcos Mamay ang kanyang very inspiring life story na tiyak umanong kapupulutan ng aral.

Si Mayor Mamay ay isang Muslim at isa sa 15 anak ng kanyang ama sa dalawang magkaibang babae. Ang first wife ng kanyang ama ay may sampung anak habang lima naman silang magkakapatid sa ikalawang asawa. Sa 15 siblings, tanging si Mayor Mamay lamang ang nakapagtapos ng kanyang pag-aaral dahil isa siyang scholar since his elementary grade, otherwise baka hindi rin siya nakapagtapos. Pero hindi naging sagabal kay Mayor Mamay ang kanilang kahirapan para makapag-aral at tapusin ang college.

Mahirap din ang kanilang lugar sa Nunungan na salat ng ayuda ng pamahalaan noon. Ultimo kuryente ay wala sila noon, walang mga imprastraktura at connectivity tulad ng ibang mga lugar.

Wala pa noon sa pulitika si Mayor Mamay ay sumulat umano siya sa pamahalaan na tulungan ang kanilang lugar na unti-unting naisakatuparan nang pasukin niya ang public service.

“Wala akong planong pumasok sa pulitika noon,” pag-amin niya. “Pero ang mga kababayan ko sa lugar namin ang naghikayat sa akin na gawin ito para matulungan sila at ang aming pobreng lugar,” patuloy niya.

Ngayon ay marami nang improvements sa Nunungan at unti-unti na ring pinu-push ni Mayor Mamay ang turismo hindi lamang sa Nunungan kundi ang buong Lanao del Norte dahil marami umano silang magagandang lugar at tanawin doon.

Gusto rin ng mabait at magiting na mayor na mabura sa isipan ng mga tao na nakakatakot puntahan ang kanilang lugar dahil maayos umano ang peace and order sa kanyang nasasakupan.

“Pumayag po akong isapelikula ang aking buhay para mapagkunan ng aral at inspirasyon ng mga manonood,” aniya.

RectoKapatid ng senador natagpuang patay

SI Ricky Recto, ang nakatatandang kapatid nina Rep. Ralph Recto at dating actress-TV host na si Plinky Recto, ay natagpuang patay na may tama ng bala sa kanyang dibdib sa kanyang bahay in Pasig City last December 1, 2022. Ricky would have been 60 ngayong December 1.

Ang unang assessment ng mga otoridad ay suicide umano ang dahilan. Siya’y may 28-year-old son sa actress-comedian na si Jinky Oda na si Ryckllan Recto na kasalukuyang naka-base in Florida, USA with his wife and children.

It was Jinky or Jacque Oda’s son Ryckllan who convinced her to move to the US kahit hindi niya alam kung paano sisimulan ang kanyang buhay doon.

She moved to the US in 2016 pagkatapos ng sitcom na “Vampire ang Daddy Ko” na pinagbidahan ni Vic Sotto sa GMA7. Nagsimula siyang mamasukang caregiver in San Francisco, California na sinundan ng kanyang pagiging isang security officer ng isang pribadong kumpanya.

Iginapang ni Jacque ang kanyang anak mag-isa.

DonbeleDonbelle1

DonBelle natupad ang pangarap

NATUPAD ng magka-loveteam (at magkasintahan?) na DonBelle nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang isa nilang common goal na makapag-skydive na nangyari sa kanilang recent visit sa Dubai to promote their hit movie na “The Inconvenient Love” under Star Cinema.

Bukod sa mainit na pagtanggap sa kanila ng ating mga kababayan in Dubai, naisingit din nila ang pamamasyal at adventure ng skydiving na sabay pa nilang ginawa. Ngayong matagumpay na naipalabas ang kanilang “The Inconvenient Love,” humihiling naman ang kanilang mga fans ng panibagong TV series sa darating na 2023.

Pagkatapos ng kanilang hit TV series na “He’s Into Her” na nagkaroon pa ng Season 2,” at hit digital movie na “Love is Color Blind,” follow-up movie nina Donny at Belle ang “The Inconvenient Love” na first release sa mga sinehan ng Star Cinema after the pandemic.

Ang DonBelle tandem ay siyang second hottest loveteam ngayon sa bansa following KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na matagal-tagal na rin ang tambalan.

Ang LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil ay pahinga na matapos mag- iba ng direksyon si Liza. Ang isa pang bagong hot loveteam sa kasalukuyan ay ang KDLex nina KD Estrada at Alexa Ilacad na may naka-line-up na rin na iba’t ibang proyekto sa bakuran ng Kapamilya network.

Julio

Julio balik-acting na

NATUTUWA kami para sa seasoned actor na si Julio Diaz na aktibo itong muli sa paggawa ng pelikula matapos itong makalaya.

Napanood namin ang actor sa launching movie in Azi Acosta na “Pamasahe”; na dinirek ni Roman Perez, Jr. under Viva Films for Vivamax release.

Makakasama rin si Julio sa pelikulang “Lanao: The Marcos Mamay Story” na pamamahalaan ni Neal `Buboy’ Tan na siya ring sumulat ng istorya.

Sana magtuluy-tuloy na ang pagbabagong-buhay ng actor na huling napanood sa top-rating action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbidahan ni Coco Martin na isa rin sa mga director ng serye. Si Coco ay isa sa mga actor na tumulong kay Julio.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE