Glaiza

Irish fiance ni Glaiza, aliw sa Pasko sa ’Pinas

January 4, 2022 People's Tonight 357 views

NATUPAD ang pangarap ng Asia’s Drama Gem na si Glaiza de Castro na mabuo ang kanyang pamilya sa selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon.

Ipinagdiwang ito ni Glaiza at ng kanyang pamilya sa Baler, Quezon kung saan nakabili siya ng dream house na malapit sa dagat.

Sa kuwento ng Kapuso actress, hinding-hindi raw niya makalilimutan ang 2018 dahil buo ang kanyang pamilya sa Baler at sama-sama silang nag-celebrate ng Pasko at New Year.

“Nakaplano na talaga ito,” tinuran niya, “kasi ang tagal na naming hindi nagsasama-sama ng pamilya, I think, last year, I was in the UK, so na-miss ko ‘yung Christmas sa Philippines tapos siyempre nag-pandemic din, so hindi madalas magkita ‘yung family so, Baler is an apt place to spend Christmas together. Parang naulit ‘yung 2018 na lahat kami, sama-samang ’andu’n.”

“At may nadagdag pa,” ang tinutukoy ni Glaiza ay ang kanyang Irish fiancé na si David Rainey na kasabay niyang umuwi ng Pilipinas nang magbakasyon siya sa Europe last September.

“First time niya to spend Christmas dito sa atin kaya sobrang excited siya. Iba rin kasi ang celebration ng Christmas dito sa atin,” sambit pa ng leading lady ni Xian Lim sa sisimulang False Positive series ng GMA Network.

“Sobrang masaya po,” ani David in his broken Tagalog. “Masaya po dahil I’m with Glaiza and her family.

Epic ending ng ‘TWBU,’ sa Biyernes na

BY Friday, matutunghayan na ang epic ending ng pinagbibidahang teleserye ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards na The World Between Us.

Kahit nasa Amerika si Alden for a short respite, todo-promote pa rin siya ng kanyang show.

Maging ang kanyang most-anticipated documentary concert na ForwARd: Meet Richard Faulkerson Jr., hindi niya nakalimutang i-share sa kanyang mga supporter ang official concert poster.

“This is definitely one of the projects that’s really close to my heart. And I’m excited to finally share the ForwARd concert poster with all of you!”

Magaganap ang kanyang ForwARd: Meet Richard Faulkerson Jr. sa January 30, 8 ng gabi. Mula ito sa direksyon ni Frank Lloyd Mamaril at ang musical director naman ay si Adonis Tabanda.

Mabibili ang ticket sa ticket2me.net at ang proceeds nito ay mapupunta sa kanyang itinayong AR Foundation. Ni Lito Mañago

AUTHOR PROFILE