Alodia

Ipinalit ni Alodia kay Will, yayamanin

April 25, 2022 Jun Nardo 118 views

YAYAMANIN pala ang rumored boyfriend ng cosplayer-businesswoman na si Alodia Gosiengfiao.

Eh, hula ng netizens, ang lalaki na kasama niya sa El Nido, Palawan na pinost ni Alodia sa kanyang Instagram ang ipinalit sa dating boyfriend vlogger na si Will Dasovich.

Ang name ng guy ay Christopher Quimbo, ayon sa Twitter post ng GMA Network.

President at general manager ng Calabria Company Limited si Quimbo, makers ng Novelino wines.

Dati siyang based sa Minneapolis, Minnesota at nagtrabaho bilang senior business analyst at director ng Marketing for Foodalu, a location based social networking app.

Sa University of Wisconsin-Madison siya nagtapos ng economics at nakumpleto ang Wine Exective Programa sa University of California-Davis noong 2014.

Bongga naman pala accomplishments ng rumored BF ni Alodia, huh! Walang tapon!

Marian

QUEEN OF ENDORSEMENTS

ABA, may bago na namang endorsement si Marian Rivera, huh! Queen of Endorsements na siyang talaga, huh!

Sa kanyang Instagram stories, inilabas ni Yan ang tinawag niyang bagong pamilya para sa kanyang latest endorsement.

Kamakailan, ang pagiging endorser ng Kamiseta lotion ang kanyang pinirmahan.

More and more ang kumukuha kay Yan bilang endorser, huh!

AUTHOR PROFILE