Venus

IpaTUPAD Partylist 1st nominee suportado ng mga celebrity

May 6, 2022 Ian F. Fariñas 526 views

NAKAKATUWA ang first nominee ng ipaTUPAD Partylist na si Venus Emperado sa pagiging bukas nito sa maraming bagay. Dati siyang OFW sa Singapore na nagsimula sa mababa, pero dahil sa angking talino at charm, agad siyang naging CEO ng isang oil and gas company, at naging consultant ng ilang kompanyang may kinalaman sa Filipino OFWs.

Naging scholar pa siya ng Nanyang University at nakapagdala ng ilan pang Filipino scholars doon.

Noon pa man, naging bahagi na ng buhay niya ang pagtulong sa ibang tao. Kaya naman nang mabuo ang ipaTUPAD Partylist, alam ng mga nakakakilala sa kanya na mas malaki pa ang magagawa niya para sa ating mga kababayan.

Bukod kay Pangulong Rodrigo Duterte, inendorso rin siya ng ilan pang kilalang personalidad tulad ni Narvacan Mayor Chavit Singson. Siyempre pa, suportado rin siya ng BBM-Sarah Duterte tandem.

Hindi rin niya makakalimutan ang kabaitan sa kanya ni Robin Padilla na kandidato naman bilang senador.

Malapit din ang puso ni Madam Venus sa mga taga-entertainment.

Bukod kay Robin, suportado rin ang ipaTUPAD Partylist nina Eric Quizon at Coleen Garcia.

Si Eric ang magdidirek ng ilang TV ads nila at si Coleen naman ay kaibigan ng isang kaibigan, na naniniwala sa kanilang ipinaglalaban.

Nangako rin ng suporta ang ipaTUPAD sa 15,000 freelance artists at cultural workers na isusulong nito ang kanilang kalagayan at kapakanan sa Kongreso.

Naniniwala ang ipaTUPAD party list na dapat tulungan ng pamahalaan sa pamamagitan ng NCCA at cultural agencies ang mga naapektuhang mga artista at manggagawa sa kultura para muling makapagsimula at makasabay sa new normal.

AUTHOR PROFILE