Ion

Ion, rumesbak sa basher: Ilabas ang resibo!! Gusto ako nyan kaya sya ganyan!!!

August 4, 2023 Vinia Vivar 591 views

Unbothered at unaffected ang peg ni Vice Ganda sa mga isyu at batikos na natatanggap nila ng dyowang si Ion Perez kaugnay ng inasal nila sa isang segment ng “It’s Showtime.”

Dahil nga sa reklamo ng mga netizens ay ipinatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga producer ng “It’s Showtime.”

Kasalukuyang nasa bakasyon sina Vice at Ion and enjoying their quality time sa gitna ng mga batikos base na rin sa mga post nila sa social media.

Sa kanyang X (dating Twitter) ay nag-tweet si Vice ngayong araw (Aug. 4) ng kanyang emosyon na aniya ay ‘full of love.’

“Amidst all the noise i see so much love. I feel so much love. Hope you see and feel it too cause it’s amazingly beautiful,” ani Vice.

Pero si Ion ay hindi nakapagpigil at nag-post ng cryptic message sa kanyang Instagram Story.

“ Ilabas ang resibo!! Gusto ako nyan kaya sya ganyan!!!” Ion wrote.

Hinala ng marami na ang vlogger na si Rendon Labador ang tinutukoy ni Ion dahil binatikos siya nito at sinabihang “palamunin” at “bad influence.”

Sinabi rin ng vlogger na “kahayupan” ang pinaggagagawa nina Vice at Ion sa TV.

Marami naman ang nag-uudyok kina Vice at Ion na idemanda ang vlogger para maturuan ng leksyon.

AUTHOR PROFILE