Viceion

Ion, may time na tamad humalik — Vice

November 19, 2021 Vinia Vivar 264 views

Kung sina Vice Ganda at Ion Perez ang tatanungin, hindi nila nakikita ang kanilang mga sarili na bibitaw sa kanilang relasyon.

“Personally, ’di ko nararamdaman sa ’min ’yun. Sa puntong ito, kung gaano ka-intense ’yung samahan namin, ’yung feelings namin sa isa’t isa, ’di ko ’yan nararamdaman na mangyayari anytime soon. Hindi ko nararamdaman na kaya ko ’yan gawin at kaya siyang gawin ni Ion,” pahayag ni Vice sa anniversary vlog na in-upload niya sa YouTube.

Sa nasabing vlog ay naglaro ng Who’s Who ang magdyowa habang nakaupo sa Central Park sa New York.

Sa tanong kung sino ang mas higit ang pagmamahal sa kanilang dalawa, ani Vice, hindi ito nasusukat pero pareho lang silang ibinigay at natatanggap kung ano ang deserved nila.

“Siya naman, nakikita ko naman, binibigay niya kung anong kaya niyang ibigay. Ako rin naman, binibigay ko kung ano ang kaya kong ibigay. Natatanggap ko naman ‘yung deserved ko. Siya rin naman, I’m trying to give what he deserves. Hindi ‘yun nasusukat. Pero malalaman mo kung sinsero o hindi,” sabi ni Vice.

Dagdag pa niya, “Parang hindi na rin mahalaga sa akin kung sino ang mas lamang. Ang mahalaga pareho kaming nagmamahal.”

Sey naman ni Ion, “Basta ako, binibigay ko lang ‘yung ’eto, ‘yung buong pagkatao ko. Ginagawa ko lang ang dapat, ginagawa ko lang ‘yung alam kong mapapasaya kita, mapapaligaya kita. ‘Yung buong puso na ginagawa ko lahat. Basta ‘di ko ma-explain, eh. Basta’t mahal ko siya.”

Salo naman ni Vice, “And that’s enough. That’s really more than enough.”

Aliw ang sagot ng dalawa sa tanong kung sino ang mas magaling humalik dahil nagtalo pa sila.

Sagot kasi ni Ion ay tie. Pero sey ni Vice, “Hindi, parang mas magaling ako.”

Sabi naman ni Ion, “Kasi may time na sumusuko ka sa akin, may time naman na sumusuko ako.”

Kontra naman ni Vice, “May time kaya, ang tamad mo,” at iminuwestra pa niya kung paano humalik si Ion.

Tawa lang ng tawa si Kuya Escort.

AUTHOR PROFILE