Ion

Ion, ibinasura ang hilig sa motocross para kay Vice

September 15, 2022 Vinia Vivar 327 views

Para kay Vice Ganda, nagdesisyon si Ion Perez na itigil na ang pagmo-motocross. Ito raw ay para mapanatag na ang dyowa na laging nag-aalala kapag nagmo-motor siya.

Inanunsyo ito ni Ion sa kanyang latest vlog kung saan ay ipinakita niya ang pagbuo ng kanyang biniling bike na siyang bago niyang hobby.

“Hindi na ako magmo-motocross, eh. Para sa katahimikan ng damdamin at puso ni Meme (Vice Ganda). Bike na lang tayo ulit, ‘no, madlang people? Kaya lang parehas din, mahapdi sa bulsa,” sey ni Ion.

Matatandaan din kasing nagkaroon ng injury si Ion dahil sa kanyang pagmo-motocross at minsang nasabi na rin talaga ni Vice Ganda na talagang sobrang nag-aalala siya kapag nagmo-motor ang asawa.

Idi-dispose na raw niya ang kanyang mga motor at nagbiro pang ipapa-frame na lang niya.

Makikita rin sa video na sobrang happy and excited si Ion sa kanyang bagong hobby.

BAGONG CULTURAL OFFERING

Siguradong tututukan ng Kapuso viewers ang upcoming historical fictional portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra na tampok ang makabagong pagku-kwento sa nobela ni Dr. Jose Rizal.

Magsisimula ito sa kwento ni Klay (Barbie Forteza), isang Gen Z na Nursing student at gustong mangibang-bansa para magtrabaho.

Isang araw, magigising at malalaman niyang napadpad siya sa mundo ng Noli Me Tangere ni Rizal.

Magtatagpo ang landas nina Klay at Maria Clara (Julie Anne San Jose) kung saan makikita ang pagkakaiba sa ugali at kasanayan ng dalawang dalaga dahil sa kani-kanilang pinanggalingang henerasyon.

Makikilala rin niya si Ibarra (Dennis Trillo) at ang iba pang karakter sa nobela na magtuturo sa kanya ng pagmamahal sa bayan at pagpapahalaga sa kasaysayan.

Siguradong panibagong putahe na naman ito na ihahatid ng GMA sa kanilang loyal viewers na hanap ay world-class entertainment.

Abangan ang next big cultural offering na Maria Clara at Ibarra sa GMA soon.

AUTHOR PROFILE