Kim

Inverted Christmas tree, simbolo ng pagbabago sa buhay ni Kim

December 19, 2023 Vinia Vivar 348 views

Bagama’t napapabalitang hiwalay na sa long-time boyfriend na si Xian Lim, excited pa rin si Kim Chiu ngayong Kapaskuhan at looking forward na sa paparating na 2024.

Sa kanyang latest vlog, ipinakita ng aktres ang ginawang pag-aayos sa kanyang Christmas tree na taun-taon niyang ginagawa at ibina-vlog.

This time, binago ni Kimmy ang kanyang tree at hindi na ito ‘yung tradisyonal kundi inverted o upside down Christmas tree para kakaiba at tila sumisimbolo raw ng ‘pagbabago.’

“Naisipan ko talagang gawing iba ‘yung concept ko for my Christmas tree this year. Hindi ko alam bakit gusto ko ng inverted, gusto ko ng color white, gusto ko ng candy-candy, sobrang kakaiba sa lahat ng Christmas tree na ginawa ko,” aniya.

“Ang sarap lang kasi talaga na makakita ng Christmas tree dahil sa kabila ng mga paghihirap mo sa buhay, mga pinagdadaanan natin, ‘yung Christmas tree talaga sa bahay somehow reminds us to be happy.

“Wala lang, nakaka-happy lang whenever you see a Christmas tree kaya pagpasok ko, makikita ko lang ‘tong tree, ang sarap na sa pakiramdam. Parang napapawi ang lungkot mo and parang ang sarap sa feeling na ikaw mismo ang gumawa ng Christmas tree mo,” sey pa ng aktres.

Nang matapos na nga niyang dekorasyonan ang white Christmas tree, ayon kay Kim, nag-iyakan pa ang mga kasama niya sa bahay kabilang na ang kapatid niyang si Kam Chiu.

“Siguro, tears of joy and siyempre, sobrang happy ko rin dahil parang hindi lang bukal sa loob kong gumawa ng Christmas tree talaga this year, but I tried and na-happy ako na nabuo ko talaga siya in the best way that I can dahil alam naman ng mga kasama ko kung ano talaga ‘yung representation ng Christmas tree for me every year,” sabi ni Kim na parang sa pakiwari nga namin ay galing sa pag-iyak.

Sabi pa ng Chinita Princess, her Christmas tree this year symbolizes a “sweet Christmas and something new and different Christmas for me.”

Pahayag pa niya, “I’m excited and happy ang looking forward sa magiging Christmas ko this year.”

Sa dulo ng video ay halatang pinipigilan ni Kim ang maiyak habang sinasabing “I’m very happy with my family na nandiyan sila for me and, yeah, I’m very happy and super excited for what’s in store for the coming days and months to come.”

AUTHOR PROFILE