Inuman nauwi sa patayan!

October 5, 2021 Francis Naguit 213 views

PATAY ang isang 38-anyos na lalaki matapos saksakin ng kanyang kainuman Lunes ng gabi sa Tondo, Maynila.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Michael John Gonzales, nakatira sa 1606 Panday Pira St.,Tondo.

Dahil sa maagap na pagresponde ng mga operatiba ng MPD PS 1 foot patrol, agad na naaresto ang sana’y papatakas na suspek na si Brian Alcoriza , 29 ,residente ng 529 Amarlanhagui St.

Nauna rito, ay masayang nag-iinuman ang dalawa sa kahabaan ng Varona St., kanto ng Panday Pira, Tondo, Manila nang mangyari ang panananaksak.

Bigla umanong nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa sa di malamang kadahilanan hanggang sa kumuha ng panaksak ang suspek at inundayan ang biktima na siya naman nitong ikinamatay.

Nahaharap sa kasong murder si Alcoriza sa Manila Prosecutors Office matapos na mahuli ito.

Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa MPD Stn.1. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE