Default Thumbnail

Internet shop sa Tondo pinadlock

February 5, 2023 Jonjon Reyes 264 views

HINDI na nagdalawang isip pa ang Station Commander ng Manila Police District- Raxabago Police Station 1 na ipadlock ang isang computer shop dahil sa bukod sa mga kabataan ang naglalaro wala pa umanong maipakitang business permit to operate ang may ari sa Tondo, Manila biyernes ng gabi.

Dahil na rin sa ilang magulang ng mga bata na namamalagi sa loob ng computer shop , agad na umaksyon si Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr. na tuluyang isarado ang shop sa Barangay 123 sa Tondo.

Naaktuhang naglalaro ng “Mobile Legend” ang 22 na menor de edad , kaya napilitang ipadlock at dalhin pansamanta ang mga kabataan na umiiwas sa curfew.

Ayon kay Ibay sa halagang P5 ay makakapaglaro ng limang minuto ang bawat papasok sa computer shop , kaya ang baon na nanggagaling sa kanilang mga magulang sa pang araw araw na pagpasok sa eskuwelahan ay napupunta lamang sa laro.

Dahil dito, ilan sa magulang ang dumulog sa tanggapan ni Ibay na siya namang agad na umaksyon sa hinaing.

Napag-alaman na wala umanong business permit at hndi pa umano inabisuhan ang nakasakop na Barangay na magtatayo ito ng computer shop.

Ang mga naaktuhang kabataan ay pansamantang inilagak sa Department of Social Work and Development ( DSWD). Ang may ari ng shop ay nahaharap sa kasong paglabag sa City Ordinance 8186.

AUTHOR PROFILE