Joaquin

Internationally acclaimed debut movie ni Joaquin, ipapalabas na sa ’Pinas

December 29, 2022 Ian F. Fariñas 1480 views

Mapapanood na sa January 8, 2023 ang launching movie ng young actor na si Joaquin Domagoso, ang That Boy in the Dark, matapos umikot sa iba’t ibang international film festivals kung saan humamig ito ng maraming awards, including best actor.

Unang tinanghal na best actor si Joaquin sa Toronto Film and Script Awards. Sinundan ito ng isa pang best actor sa Five Continents International Film Festival sa Venezuela at nitong Christmas Day, best actor din sa Boden International Film Festival BIFF) sa Sweden. Tatlong best actor awards para sa isang movie.

Nagwagi rin sa BIFF ng best director award ang direktor nitong si Adolf Alix Jr. Honorable mention naman ang suspense-thriller sa Toronto Film and Script Awards.

Nagmarka ang pangalan ni Joaquin nang ipakilala siya sa most-watched Kapuso TV series na First Yaya noong 2020 bilang love interest ni Cassy Legaspi.

iteNasundan agad ito ng sequel na First Lady.

Sa That Boy in the Dark, si Joaquin ay si Knight na sa murang edad ay masasangkot sa isang aksidente dahil sa away ng ama’t ina (Glydel Mercado at Ramon Christopher).

Magkakaroon siya ng head trauma at maaapektuhan ang optic nerve na magiging sanhi ng kanyang pagkabulag.

Mawawala ang kanyang ina habang sasama naman ang ama sa kanyang kabit.

Tuluyang mabubulag si Knight sa edad na 19. Maiiwan siya sa lolo at mabait na tagapag-alagang si Mamay Ched (Lotlot de Leon).

Lalaking rebeldeng anak si Knight dahil sa sitwasyon sa buhay. Pero kahit bulag, magkakaroon siya ng “special skill” — ang matalas na pandinig.

Dahil sa pananatili sa bahay, makakaramdam siya ng kakaibang pangyayari sa paligid gaya na lamang ng presensya ng isang babaing maaanig niya kahit madilim ang paningin.

Matutuklasan ni Knight ang bumabalot na hiwaga sa babae na dati niyang childhood friend, si Ellie (Aneesa Gutierrez). Lalo rin niyang matutuklasan ang iba pang magkakaugnay na lihim sa pagkatao ni Ellie at ng katunggali niyang si Danos (Kiko Ipapo).

Anak si Joaquin ni former Manila Yorme Isko Moreno na nagbabalik din sa showbiz, kaya naman nasa dugo talaga ng showbiz newbie ang pagiging mahusay na aktor.

At 21 years old, malayo pa ang mararating ni Joaquin bilang aktor at ang That Boy in the Dark ang simula ng pagiging aktor niya in the truest sense of the word.

Ngayon pa lang, batbat na ito ng resibo ng kahusayan sa nakamit na tatlong international awards.

Samantala, suportado rin si Joaquin sa debut movie ng beteranong si Nanding Joseph habang introducing naman sina Aneessa Gutierrez at Kiko Ipapo.

Palabas na ang That Boy in the Dark sa sinehan nationwide simula January 8, 2023.

AUTHOR PROFILE