Dennis

Interbyu ni Karen kay Dennis, posibleng ’di matuloy

September 25, 2022 Vinia Vivar 127 views

Marami pa rin ang nagtataka hanggang ngayon kung bakit binura ni Dennis Padilla ang mga sagot niya sa anak na si Julia Barretto at pagkatapos ay biglang nanahimik na.

Ang tsika nga, napagpayuhan umano si Dennis na huwag nang magsalita pa ng kung anu-ano laban sa anak.

Malamang na hindi na nga rin maganap ang interbyu ni Karen Davila na ni-request ni Dennis.

Matatandaan nga kasing ilan sa mga sunud-sunod na posts ni Dennis matapos ang panayam ni Karen kay Julia ay ang pagri-request niya sa nasabing broadcast journalist na interbyuhin din siya para malaman din ang kanyang side.

Sumagot naman si Karen sa panawagan ni Dennis which means willing siyang interbyuhin ito.

Pero mukhang hindi na matutuloy (ang interview), sey ni Cristy Fermin sa kanyang online show.

AUTHOR PROFILE