SWS Base sa Social Weather Stations (SWS) noong Hulyo, 17.6% ng pamilyang Filipino ang nakararanas ng pagkagutom at hindi nakakain noong ikalawang quarter ng taon. Source: PNA file photo

Inter-Agency Task Force on Zero Hunger binalasa ni PBBM

August 9, 2024 Chona Yu 99 views

INI-REORGANISA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Inter-Agency Task Force on Zero Hunger.

Sa ilalim ng Executive Order No. 66 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, layunin ng pag-organisa na masiguro na maipagpapatuloy at magiging epektibo ang pagtugon ng gobyerno sa pagkagutom at kahirapan.

Nakasaad sa EO na ang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang magsisilbing chairperson ng task force.

Maari namang makapagtalaga ang mga miyembro ng task force ng kanilang kinatawan sakaling absent.

Magsisilbing co-chairperson ng task force ang Executive Director ng National Nutrition Council.

Nakasaad sa EO na ang kalihim ng Department of Agriculture (DA) ang magiging vice-chairperson.

Pinatitiyak ng EO sa task force na maayos na maipatutupad ang mga polisiya ng gobyerno para makamit ang zero hunger.

Base sa Social Weather Stations (SWS) noong Hulyo, 17.6% ng pamilyang Filipino ang nakararanas ng pagkagutom at hindi nakakain noong ikalawang quarter ng taon.

AUTHOR PROFILE