Default Thumbnail

Inmate sumakit ang tiyan, tigok

October 3, 2023 Jonjon Reyes 103 views

NAMIMILIPIT pa sa sakit habang dumadaing sa matinding sakit ng tiyan ang isang 41-anyos na inmate na agad na isinugod sa pagamutan, ngunit sa kalaunan ay nasawi at hindi na umabot sa kanyang ultrasound.

Una, ang inmate ay binigyan ng gamot subalit muli itong isinugod sa ospital. Minabuting ipa-ultrasound ito at naka-schedule ito sa susunod na Linggo ngunit hindi na ito umabot, matapos ideklara itong dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Medical Center gabi ng Lunes.

Ang inmate ay may kalive-in at residente ng Felina Extention sa Sampaloc, Maynila.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz, commander ng Manila Police District-Ermita Police Station 5, na isinumite kay Police Capt. Dennis Turla, bandang 8:48 ng gabi nang ideklarang dead on arrival ang biktima ni Dr. Emmanuel Felipe, ang attending physician.

Una rito, ang inmate ay natimbog noong Setyembre 19, 2023, dahil sa kasong theft na nakalahad sa Article 308 ng Republic Act 10515 o ang Anti-Cable Internet Tapping Act.

Nang araw na iyon ay dumaing sa matinding sakit ng tiyan ang inmate kaya isinugod ito nila Police Staff Sargent Rogelio Danghit at Police Corporal Marlon Estabillo, kapuwa nakatalagang jail officer, sa Gat Andres Bonifacio Medical Center.

Matapos masuri ng mga manggagamot, binigyan ito ng gamot upang maibsan ang nararamdamang sakit at saka ibinalik sa selda.

Subalit muli na naman umanong umatake ang pananakit ng tiyan ng biktima kaya muli itong isinugod sa ospital, at nakatakda sana itong magpa-ultrasound sa Oktubre 19 ng gabi nang mag-collapse ang biktima.

Muli umano itong dinala sa ospital hanggang sa ideklara itong dead on arrival.

Gayunpaman, magsasagawa ang mga kapulisan ng pagsusuri sa katawan ng biktima para matukoy kung ano ang naging sanhi ng pananakit ng tiyan ng inmate.

AUTHOR PROFILE