Inmate na MWP, doble asunto sa robbery

February 14, 2022 Jonjon Reyes 187 views

HINDI akalain ng isang 40-anyos na inmate na sa mismong kulungan pa ito masisilbihan ng panibagong arrest warrant dahil sa kasong robbery sa Tondo, Manila, batay sa ulat ng pulisya.

Kinilala ang inmate-suspek na si Frederick Salonga, may asawa, vendor at residente ng Elcano St., Tondo na pinadalhan ng warrant of arrest na kung saan ito nakakulong sa Manila Police District Moriones Police Station 2 (MPD Station 2) sa panulukan ng Nicanor Zamora at Chacon Sts., sa Tondo.

Ang suspek ay nasa top 2 most wanted person (MWP) sa area ng MPD Station 2.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo lll, bandang 8:00 ng umaga sa araw ng mga puso, inihain ang arrest warrant laban kay Salonga, sa pangunguna ni P/Maj. Edwin Arevalo Malabanan na inasistihan nina P/SMS Christopher Jefferson Cruz, at ilan pang mga operatiba sa MPD Station 2.

Ipinakita sa suspek ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Jaime B. Santiago ng Regional Trial Court Branch 3 Manila dahil sa naturang kaso, na may petsang September 12, 2012.

Sa rekord ng nasabing presinto, nakulong na ang suspek nito pang nakaraang Pebrero 4 ng taong kasakuyan dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ng Section 11 o nahulihan ng shabu. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE